Connect with us

Viral

Isang kabayo ang nagmistulang photobomber sa maternity shoot na ito dahil sa halos lahat ng kuha ay kasama siya habang nakangiti!

Published

on

Isang mag-asawa ang nagnais na magkaroon sila ng isang maternity photoshoot kasama ang kanilang mga alagang kabayo. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay magiging napakagandang karanasan pala nito para sa kanila.

Ang mag-asawa na ito ay nakilala bilang sina Amanda at Phillip mula sa Indiana, USA. Mayroon silang farm kung saan nila dinaos ang kanilang photoshoot habang naghihintay sila sa paglabas ng kanilang minamahal na anak.

Isang photographer naman ang agad na nagpaunlak sa mag-asawa. Ngunit tulad ng karamihan sa mga photographer, hindi naging madali ang ilang mga kuha dahil mayroong nais ang photographer nila na pose o di kaya naman ay anggulo na hindi makuha-kuha ng mag-asawa.

Nang magsisimula ulit siyang kumuha ng mga larawan ay sumigaw ito ng “SMILE!” at agad namang lumapit sa mag-asawa ang dalawa sa kanilang mga kabayo. Maya maya pa ay nagpayo ang photographer na huwag masyadong ngumiti si Philip.

Dito na pumasok ang kwelang pose ng kabayo nilang si Buckshot. Nagulat ang mga tao doon dahil sa tila pagbulalas ng tawa ni Buckshot.

Hindi rin nagtagal at nagtawanan na silang lahat. Sa kabila nito ay hindi pa rin naging natural ang pag ngiti ni Philip.

Tinanong naman siya ng, kaniyang buntis na misis kung anong problema at dito ay muli na namang humalakhak si Buckshot. Hindi na rin napigilan pa ng mag-asawa ang tumawa ng malakas at dito na nga nakuha ng photographer ang natural na kuha ng larawan na nais niya.

Ang family photo na ito ay ibinahagi ng photographer online at umani ng maraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko. Talaga namang nakakatuwa ang kakaibang karanasan ng mag-asawang ito sa kanilang maternity photoshoot.

Walang duda na hindi nila talaga ito malilimutan hanggang sa lumaki na ang kanilang anak. Sa ngayon ay hinihintay na lamang nilang maisilang ang kanilang “bundle of joy”.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.