Connect with us

Viral

Isang baby elephant ang pilit na umuupo sa kandungan ng kaniyang tagapag-alaga upang ipakita ang pagmamahal nito sa kaniya!

Published

on

Ang mga elepante ang pinakamalaking “land animal” sa mundo ngunit sadyang napakatalino, “sensitive”, at mapagmalasakit mg mga ito. Marahil ang mga baby elephants ang ilan lamang sa pinaka-cute na hayop na makikita natin.

Mayroon silang malalaking tenga at mahahabang ilong o trunks na nagsisilbi ring pagkakakilanlan nila mula sa ibang mga hayop. Kamakailan lamang, isang video ng elepante na ito ang kinagiliwan ng publiko.

Kuha ito sa Pittsburgh Zoo kung saan makikita ang isang batang elepante na naglalakad papalapit sa lalaki na siyang nag-aalaga sa kaniya. Namamahinga kasi ito sandali matapos niyang gawin ang mga kailangan niyang gawin.

Napansin ng elepante na ito na mag-isa lamang ang lalaki at gusto nitong makipaglaro sa kaniya. Mapapansing hinahatak ng elepante ang binti ng lalaki gamit ang kaniyang “trunk” o ilong.

Kung nakapagsasalita lamang ito ay tiyak na sa sabihin nitong gusto niyang maglaro silang dalawa. Ngunit dahil na rin sa labis na pagiging abala ng lalaki ay halatang pagod na ito kung kaya naman hindi na ito agad na tumayo tulad ng gusto ng kaniyang alaga.


Dahil dito ay ninais na lamang umupo ng elepante sa kandungan ng lalaki. Natawa naman ang lalaki dahil hindi niya lubos akalain na gagawin siyang upuan nito.

Kung akala ng iilan na nangungulit lamang ang elepante, ang katunayan pala ay “playful” lamang ito at gusto lamang nitong sabihin sa lalaki na isa siyang mabuting kaibigan at pamilya. Nang makaupo na sa kandungan ng lalaki ang elepante kahit na ilang segundo lamang ay agad din naman itong umalis.

Marahil dahil ramdam din nitong pagod na ang kaniyang kaibigan at kailangan na rin nitong mamahinga. Matapos nito ay hinatak namang marahan ng lalaki ang buntot ng elepante dahil gusto nitong bumalik ito at maglaro silang dalawa.

Kay sarap makakita ng mga ganitong klase ng video kung saan masaya ang tao at ang hayop. Walang pagsasakitan o di kaya naman ay pang-aabuso.

Parehong masaya at punong-puno ng pag-asa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.