Connect with us

Viral

Isang lalaki ang umalis sa kaniyang birthday party para lamang mailigtas ang asong nalulunod!

Published

on

Napakaraming kaganapan sa ating paligid sa araw-araw. Mayroong mga magaganda at mga hindi magagandang pangyayari.

Ngunit sa kabila nito ay nasa sa atin pa rin ang desisyon kung tayo ay gagawa ng aksyon na nauukol sa mga pangyayaring ito. Umani ng napakaraming papuri si Gabe Castellanos, 38 taong gulang mula sa publiko matapos niyang iligtas ang kawawang aso mula sa matinding kapahamakan.

Nang araw na iyon ay nasa isang “out-of-door birthday party” siya malapit sa New York’s East River. Maya-maya pa ay bigla na lamang nagkagulo ang mga tao dahil sa nakita nila sa gitna ng ilog.

Nang sundan niya ang ingay at ang nagkakagulong mga tao ay napansin niya rin ang kawawang aso na nalulunod sa gitna ng ilog. Maraming mga tao na naroroon ang natayo lamang sa kanilang mga pwesto ngunit para kay Gabe ay agad siyang umaksyon at tinulungan ang kawawang hayop.

Bago siya tumalon sa ilog ay nagsuot na muna siya ng life jacket para na rin sa kaniyang kaligtasan. Nang makalapit siya sa aso ay agad niya itong hinawakan ngunit nakagat siya ng aso sa kamay at sa kaniyang mukha.


Sa kabila ng natamo niyang kagat ay ipinagpatuloy nito ang paglangoy upang makaligtas ang aso sa tiyak na kapahamakan. Kalaunan ay nakilala ang aso bilang si Harper na nakawala sa kaniyang kulungan.

Marami ang humanga kay Gabe at talagang naghiyawan ang mga tao na nakakita ng kaniyang kabayanihan. Nailigtas ni Gabe ang aso dahil sa ocean survival na kaniyang natutunan noon.

Tunay nga na kahit sa mga panahon na ito ay marami pa ring mabubuting tao na talagang gagawin ang lahat para mailigtas lamang ang kanilang kapwa maging ang mga hayop na nangangailangan ng kanilang tulong. San ay mas marami pang tao ang maging katulad ni Gabe na mayroong mabuting puso at pagmamalasakit sa kaniyang kapwa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.