Connect with us

Viral

Ginawa ito ng isang pari sa mga asong palaboy-laboy sa kanilang lugar at talagang umani ito ng papuri mula sa publiko!

Published

on

Sa isang simbahan sa Brazil ay mayroong isang pari na talagang nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga asong palaboy-laboy sa kanilang lugar. Ang pari na ito ay nakilala bilang si Padre João Paulo de Araujo Gomes.

At hindi siya nakakalimot na paglaanan ng pwesto ang ilang mga aso sa tuwing magmimisa ito. Maliit na bagay lamang ito sa iilan ngunit malaki ang naitutulong nito sa mga tao upang mabigyang pansin at pagpapahalaga pa rin nila ang mga nakalimutan nang aso sa Gravatá.

Noon pa man ay mahilig na talaga sa aso si Father Gomes. Hanggang sa nadestino siya sa Paróquia de Sant’Ana Gravatá bilang isang pari taong 2013.

“Some volunteers came to me selling cookies to help a project with stray animals. I gave them time during masses for the advertising of the cookies and then I started to participate in the projects of this NGO.” Pahayag ng pari.

Nalaman niya na marami pa rin pala ang mga inaabandonang aso sa kanilang lugar. Kung kaya naman nag-isip siya ng paraan kung paano matutulungan ang mga ito na magkaroon ng bagong mga tahanan.


Palagi niyang sinasama sa kaniyang pagmimisa ang mga aso na ito upang makita rin sila mga taong naninirahan doon. Ngunit hindi dito natatapos ang kaniyang ginawang pagtulong dahil sa dinadala niya rin ang ibang aso sa kaniyang bahay upang doon ay pakainin sila at alagaan lalo na iyong may mga kritikal na karamdaman.

“I began to adopt some animals who had been mistreated … always with the support of volunteers,” Dagdag pa ng pari.

Mayroon din silang inilalagay ng mga kainan sa labas ng kanilang simbahan kung saan maaaring kumain at uminom ang mga asong ito. Maging ang kanilang simbahah din mismo ay bukas para sa mga asong ito na walang masisilungan.

“What I do is just a drop of water in the face of the magnitude of the problem. I wish I could welcome all the animals, but we work with many limitations. Everything I do depends on volunteers and volunteers who help me, so it’s not my merits but those people’s, too.” Komento ni Father Gomes.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.