Connect with us

Viral

Isang aso ang nagligtas sa kuting na ito matapos niyang gabayan ito pauwi sa gitna ng ulan!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, talagang masarap sa pakiramdam ang magkabalita o makakita ng pangyayari na kung saan ay nailigtas ang isang kawawang hayop mula sa tiyak na kapahamakan. Ngunit lalong nakakamangha kung mismong kapwa nila hayop ang magliligtas sa kanila, hindi ba?

Marahil ay pinagpala ang ilang mga hayop ng kakayahan na malaman kung nangangailangan nga ba ng tulong ang isang tao o maging ang kapwa nila hayop. Hindi imposible sa kanila ang tumulong sa mga kapwa nila hayop na nangangailangan ng tulong.

Tulad na lamang halimbawa ng isang aso na ito na nagligtas sa isang kuting kamakailan lamang. Ang mabait at matulungin na aso ay nakilala bilang si Hazel na isang Yorkie mix.

Siya ay pagmamay-ari ng babae na nakilala sa pangalang Monica mula sa Abilene, Texas. Nang araw pala na iyon ay hinayaan niyang makalabas ang kaniyang alaga dahil sa kailangan nitong dumumi o umihi.

Ngunit napansin ni Monica na matagal bago bumalik ang kaniyang alaga. Nang lumabas na si Monica para tingnan ang kaniyang alaga ay nagulat ito dahil mayroon na itong kasa-kasamang kuting.

Natuwa siya nang makita kung gaano ang pinapakitang pagmamalasakit ng kaniyang alagang si Hazel sa kawawang kuting. Habang naglalakad kasi sila ay palagi itong tinitingnan ni Hazel at sinisiguradong naroroon pa sa kaniyang tabi ang munting kuting.


Maulan ang panahon noon at tila ligaw rin ang kuting kung kaya naman tila sinamahan ni Hazel ang kuting patungo sa kanilang tirahan upang kahit papaano ay makasilong man lang. Nang masilayan ito ni Monica ay hindi ito nagdalawang-isip na kuhanan ng larawan ang dalawa.

Nakarating naman ng maayos ang dalawa sa tahanan nina Monica. Nang paakyat na sila ng hagdan ay hindi makapanik ang munting kuting kung kaya naman agad itong tinulungan ni Hazel.

Hindi rin naman pinatagal pa ni Monica dahil nang malaman nitong wala talagang nagmamay-ari sa kuting ay siya na mismo ang nag-ampon dito. Pinangalanan niya itong Sheba na ngayon ay kapatid na ni Hazel.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.