Connect with us

Viral

Isang ginang ang nagpinta ng kung ano-ano sa kaniyang bakod na nagpapangiti sa mga taong napapadaan dito!

Published

on

Si Bogart ay apat na taong gulang na English bulldog na madalas na naglulusot ng kaniyang ulo sa bakod ng kanila mismong bahay. Kung kaya naman napagdesisyunan ng kaniyang amo na si Ranveig Bjørklid Levinsen na magpinta ng mga “cheerful designs” dito.

Sa labas mismo ng kanilang bakod ay makikita ng mga taong daraan ang mga nakakatuwang imahe na kaniyang ipininta rito. Ang mga ito ay tila “stand-in” sa isang karnibal.

Mayroong butas sa bakod kung saan may nakaguhit na sombrero ng isang payaso habang sa kabila naman ay mayroong kasuotan ng isang hari. Ang pinakanakakatuwa pa rito ay talaga namang bagay na bagay sa “facial expression” ni Bogart ang bawat butas na ito.

Maging ang nanay ni Bogart na isa ring English bulldog ay mayroong sarili nitong spot.

“Bogart has gone viral in Denmark—he has also got on one of Denmark’s biggest influencers’ Instagram profile, and now I can see that he’s [on] a Norwegian dog group too.” Komento ng kaniyang amo.

“Bogart is a sweet, very loving and happy little English bulldog,” Dagdag pa nito.

Mahilig daw talagang maglaro si Bogart. Lalong-lalo na kung mayroong bisita ang pamilya, mas maraming matang nakatingin at atensyon na napupunta sa kaniya ay mas naliligayahan ito.

Si Bogart din daw ang pinakamakulit na aso na kaniyang naalagaan. Dahil kapag may ayaw daw itong gawin ay talagang hindi mo ito mapipilit na gawin ang bagay na iyon.

Talaga namang nakakatuwa magkaroon ng isang alagang hayop na kasing kulit ni Bogart, hindi ba? Kahit gaano tayo kaabala o kalugmok sa ating mga trabaho ay tiyak na madaling mapapawi ang ating pagod.

Mapalad din naman si Bogart dahil mahal na mahal siya ng kaniyang amo. Hindi lamang isang alaga ang turing sa kaniya kundi bahagi na ng kanilang pamilya – na parang tunay na nilang anak.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.