Connect with us

Viral

Isang uri ng daga na kung tawagin ay Chinchilla, kinagigiliwan ngayon ng mga netizens!

Published

on

Sa Pilipinas, kapag sinabi nating daga – tiyak na marami na kaagad ang mag-iisip ng mga maruruming lugar tulad ng mga estero, kanal, basurahan, at marami pang ibang hindi kanais-nais na lugar. Ngunit lingid sa kaalaman ng iilan sa atin ay mayroon din palang ilang mga specie ng daga na talagang kinagigiliwan ng marami hanggang sa ngayon.

Halimbawa na lamang ang mga chinchilla na ito. Ang mga hayop na kung tawagin ay Chinchilla ay kilala sa pagiging “fluffy” nila.

Ngunit maliban sa cute na katangian nilang ito ay talagang marami din ang nagulat nang malaman na maganda rin ang kanilang mga “butt”. Perpekto ang pagkalabilog ng likuran ng mga chinchilla na ito.

Marami sa kanila ay makikita mismo sa Cameron Holmes of Camerons Chinchillas sa UK. Alagang-alaga kasi talaga ang mga hayop na ito rito kung kaya naman hindi na nakapagtataka na lumago ng husto at tumambok ang kanilang mga likuran.

Ang mga specie ng hayop na ito ay nagmula pa sa Andes mountains ng South America. Dahil sa makapal nilang mga balahibo ay nagagawa nilang makaligtas at mabuhay kahit sa pinakamainit o pinakamalamig pang klima.

Sila mismo ang naglilinis ng kanilang katawan sa pamamagitan ng “dust baths” sa umaga. Mahilig din sila sa mga snack at sa pagtulog.

“We turn the lights and say good morning to all of the chinchillas and each of them is waiting by their food hopper waiting for it to be filled up.” Komento ng isa sa kanilang mga staff.

Tunay nga na napakarami pa rin palang nakakamangha at pambihirang bagay sa mundo ang hindi pa natin natutuklasan. Tulad na lamang ng mga chinchillas na ito na hindi mo aakalain na isang uri pala ng daga na noon pa man ay kinaiinisan na natin.

Sa ngayon ay marami sa atin ang cute na cute sa mga larawang ito ng mga chinchilla.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.