Connect with us

Viral

Mamangha sa angking kagandahan ng mga arctic fox na matatagpuan sa pinakamalamig na bahagi ng mundo!

Published

on

Kayang mabuhay ng mga arctic fox sa Artic temperature na umaabot hanggang sa -58°F. Walang ibang hayop na naninirahan sa arctic ang mayroong napakakapal na balahibo katulad ng sa arctic fox.

Kilala rin sila bilang mga ‘opportunistic omnivores,’ kahit na ano ay talagang kinakain nila. Mula sa karne ng mga hayop hanggang sa iba’t-ibang klase ng mga gulay.

Ilan sa mga natatangi nilang katangian ay ang mabalahibo nilang talampakan, maliliit na mga tenga, at maiiksing mga nguso. Ito ang ilan sa mahahalagang bahagi ng kanilang katawan na kinakailangan nila upang mabuhay sa napakalamig na temperatura.

Isa pa sa natatanging katangian ng mga hayop na ito ay ang kanilang napakaputi na balahibo. Maaari nila itong gawin bilang isang “winter camouflage” na kalaunan ay mababago rin naman sa pagpapalit ng panahon.

Nagiging “brownish-gray” naman ang kanilang kulay sa tuwing sasapit na ang tag-init upang makaayon naman sila sa kulay ng mga bato at mga halaman sa kanilang paligid. Ang ganitong mga katangian ng mga arctic fox ang nagsisilbing malaking tulong sa kanila upang makahanap sila ng kanilang mga pagkain tulad na lamang ng mga daga, ibon, at mga isda.
Ang kanilang mga buntot ay nakakatulong sa kanila upang makapagbalanse tulad na lamang ng mga pusa. Nagagamit din nila itong pampainit ng kanilang katawan lalo na sa gitna ng malamig na panahon.

Sa tuwing sasapit naman ang tag-lamig ay talagang hirap silang makahanap ng mga hayop na makakain. Kung kaya naman palagi nilang sinusundan ang mga oso at kapag natapos na itong makakain ay saka naman nila kakain ang tira nitong pagkain.

Matatagpuan ang mga arctic fox sa coastal region ng Arctic circle, mula sa Canada hanggang Europe, Russia, Iceland, at marami pang iba. Ang mga arctic fox ay kilala rin bilang “monogamous animals” at maaari silang magkaroon ng mga supling mula dalawa hanggang 14. Tuwing tag-init sila nagpaparami at nagsisilang ng kanilang mga anak.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.