Connect with us

Viral

Isang limang taong gulang na bata ang matapang na nagtanggol sa kaniyang kaibigan mula sa mga asong humahabol sa kanila!

Published

on

Isang matapang na bata ang humarap sa mga nakakatakot na asong ito nang sila ay habulin ng kaniyang kaibigan habang naglalakad. Madaling araw nang Mayo 27 sa Hyderabad, India nang makuhanan sa isang video ang limang taong gulang na si Chandu kasama ang kaibigan at kaklase nitong si Pooja.

Magkahawak ang kamay nila habang naglalakad sa isang eskinita. Mayamaya pa ay sinugod na sila ng apat na mga asong galit na galit at grabe ang pagtahol sa kanilang dalawa.

Hindi naman nagpatinag ang batang si Chandu at talagang matapang niyang pinagtanggol ang kaniyang kaibigan. Pinatakbo niya ito upang makahingi ng tulong sa kanilang mga kamag-anak habang sinaway at inaawat niya ang mga aso.

Dahil sa ginawang ito ni Chandu ay talagang marami ang bumilib sa kaniya. Marahil para sa nakararami sa atin ay mas madali nang tumakbo na lamang sa ganitong klase ng panahon ngunit naging matapang ang batang si Chandu at nilaban ang mga galit na galit na aso.

Ang naturang video naman ay mula sa homeowner ng lugar na humanga rin sa bata. Ang mga pag-atake na ito ng mga aso ay isa na talaga sa mga problema sa India.

Ayon sa ilang mga ulat ay mas nakamamatay ang kagat ng mga asong ito kumpara sa mga krimen sa lugar sa loob ng 20 taon. Ayon naman sa mga file ng Supreme Court ng India umabot sa mahigit 1.3 milyong katao ang nakakagat ng mga asong ito sa siyudad mula 1994 hanggang 2015 at hindi bababa sa 434 katao naman ang nasawi dahil sa rabies na nakukuha sa kagat ng mga asong may rabies.

Ang mga pangyayaring ito ay maaari naman sanang mapigilan. Tunay nga na hindi lamang tayo maging mapagmasid sa mga kaganapan sa ating paligid. Bagkus ay maging responsable rin tayo sa mga bagay na maaari pa naman sana nating mapigilan na mangyari.

Halimbawa na lamang ang pagsiguro na palaging may kasamang nakatatanda ang ating mga batang anak lalo na kung lalabas ng bahay at hating-gabi na. Gayundin naman, kung mayroon tayong alagang mga hayop ay huwag na nating hayaan na magpagala-gala at makuha ito ng sakit na maging dahilan upang mapahamak ang ating kapwa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.