Connect with us

Viral

Isang pambihirang aso ang kayang mamili sa isang convenience store nang siya lamang mag-isa!

Published

on

Ordinaryo at tipikal na lamang nating nakikita ang mga aso na gumagawa ng mga tricks o di kaya naman ay naglalaro ng “catch” lalo na sa panahon natin ngayon na laganap na ang social media at iba pang mga platforms. Marami na tayong napapanuod na mga iba’t-ibang klase ng hayop at mga aso na talagang nakakapagpamangha sa ating lahat.

Ngunit talagang kakaiba ang asong ito na kayang-kaya rin pala ang mamili ng siya lang mag-isa! Marami ang napabilib sa kakayahan ng golden retriever na ito na mamili nang walang ibang kasama kundi siya lamang.

Makikita sa isang video ang asong ito na nasa loob ng “City Café”, ang convenience store na malapit sa kanilang tahanan na mayroong bitbit na bag sa kaniyang leeg. Para bang isang lokal sa lugar na iyon ay dere-deretso lamang sa pagpasok sa naturang establisyemento ang aso.

Napansin pa nga ng iilan na matiyaga itong naghihintay sa harap ng counter habang nakapila dahil mayroong lalaki na nauna sa kaniyang magbayad. Nang makarating na siya sa harap ng counter ay hinayaan ng aso na buksan ng cashier ang kaniyang bag.

Matapos na ilagay ng cashier ang resibo at ang sukli niya ay hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at umuwi na. Marami rin naman ang nagtataka dahil hindi man lang naakit ang aso na amuyin, tingnan, o tikman ang masasarap na pagkain sa ibang shelves ng convenience store.

Marahil ay dumaan rin sa pagsasanay noon ang aso na ito. Mayroong taong nagturo at nagtiyaga sa kaniya upang makasanayan at magawa niya ng maayos ang naiatas sa kaniyang gawain.
Hindi lahat ng ating mga alagang hayop ay magagawa ito kung kaya naman tiyak na tuwang-tuwa ang kaniyang mga amo. Hindi lamang service dog at “man’s bestfriend” ang maaari nating gamiting paglalarawan sa mga asong ito kundi isa sa pinakamatalino at maasahang hayop sa buong mundo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.