Connect with us

Viral

Sorbetes nating mga Pinoy, nakarating at nakilala na sa Belgium dahil sa mag-asawang ito!

Published

on

Hindi biro ang maging isang Overseas Filipino Worker o OFW. Talagang kailangang handa kang malayo sa iyong pamilya at magsakripisyo para sa iyong pangarap na buhay para sa kanila.

Sa kabila ng mga mahihirap na karanasang ito ay marami pa rin talagang mga Pilipino ang sumusubok na makipagsapalaran sa ibang bansa. Para sa kanilang mga pangarap at para sa kanilang pamilya, walang imposible at walang hindi kakayanin.

Maaaring marami kang haharapin na mga pagsubok ngunit kailan man ay hindi mo makikitang susuko ang isang Pilipino. Maaaring mamahinga lamang ito sandali ngunit hindi nito pipiliin ang basta basta na lamang sumuko sa hamon ng buhay.

Isa na marahil sa tipikal na mga OFW na kilal natin ay ang Pinay nurse na si Kamille Rodriguez. Nangibang-bansa para sa kaniyang pamilya, upang magbanat ng buto.

Hindi niya lubos akalain na hindi lamang pala trabaho ang kaniyang matatagpuan sa Belgium kundi ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso. Dito niya rin kasi nakilala ang asawa na niya ngayon na si Jelle Bories.

Tulad ng ibang mga OFW, talagang nanabik din si Kamille sa mga pagkaing Pinoy. Kung kaya naman sa tuwing gusto niyang kumain ng ilang mga pagkaing Pinoy ay tinutulungan siya ng kaniyang mister sa pagluluto.


Hanggang sa ang hilig nilang ito sa pagkain at pagluluto ay nauwi sa isang munting negosyo. Nagdesisyon ang mag-asawa na gumawa ng sorbetes noong Hulyo 2020. Mayroon itong iba’t-ibang flavors tulad ng ube, durian, at mangga.

Kalaunan ay tinawag na nila itong Sorbetes ni Manong Jelle. Maliban sa mga Pinoy flavors ay nagkaroon na rin sila ng mga Belgian flavors. Kung dati rati ay sa tatlo lamang ang kanilang mga kostumer, ngayon ay nakakabenta na sila ng 80 tubs sa loob ng isang linggo.

Mayroon na din silang door-to-door deliveries ng kanilang mga sorbetes. Talaga namang unti-unti nang nakikilala ang sorbetes ng mga Pinoy sa Belgium.

Marami ang nasasarapan at talagang umuulit-ulit ng bili sa mag-asawa sa tuwing sila ay magtitinda nito gamit ang kanilang kariton.

 



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.