Connect with us

Viral

Matandang mag-asawa, naghanda ng paboritong pagkain ng kanilang mga anak para sa pagbisita ng mga ito ngunit kahit isa sa kanila ay walang nakarating!

Published

on

Hindi maipagkakaila na talagang gagawin ng ating mga magulang ang lahat, maibigay lamang ang lahat ng ating gusto at pangangailangan. Kahit pa nga ito ay nangangahulugan na kailangan nilang magsakripisyo nang husto.

Sa Shanxi, China, mayroong isang matandang mag-asawa na nasasabik na sa muling pagbisita ng kanilang anim na mga anak. Ang lahat ng kanilang mga anak ay nasa siyudad na at doon na nagtatrabaho.

Nalalapit na ang muli nilang pagkikita dahil ipagdiriwang na ang Mid-Autumn Festival na araw rin upang ipagdiwang ang mga “family reunions” o pagsasama-samang muli ng mga pamilya. Dahil sa matagal din silang hindi nagkasama-sama at nagkita-kita ng kanilang mga anak ay nagdesisyon ang matandang mag-asawa na maghanda ng maraming pagkain para sa kanilang mga anak.

Hindi rin sila nag-aksaya ng oras upang gawin ang paborito ng mga ito na chili paste upang mayroon silang madala pagbalik nila sa siyudad. Kahit pa 71 taong gulang na si Lee ay nagagawa pa rin nitong gamitin ang mabigat na “mill” sa kanilang komunidad kung saan sila gumagawa ng chili paste ng kaniyang misis na si Zhang.

Si Zhang naman ang siyang naghahalo ng mga sangkap dito tulad na lamang ng asin at bawang. Napansin ng kanilang mga ka-nayon ang mag-asawa at sinabing tila napakahirap ng kanilang ginagawa.
Ngumiti lamang ang mag-asawa at sinabing wala sa kanila ang pagod dahil batid nilang ito ay para sa kanilang mga anak.

“Our children will return in two days’ time, and they’ll be looking forward to this chilli sauce. We better get going with the grinding,” Pahayag ni Lee.

Ngunit isang araw bago ang selebrasyon na pinakahihintay ng matandang mag-asawa ay nakatanggap sila ng hindi magandang balita mula sa kanilang mga anak. Lahat sila ay hindi makakapunta dahil sa mayroon silang lahat na mga trabaho.

Abala raw silang lahat kung kaya naman hindi na nila magagawa pang makabisita. Hindi batid ng mga anak nila na talagang pinaghandaan nila ang araw na iyon kung kaya naman labis ding nasaktan ang mag-asawa.

Gayun pa man ay iginalang na lamang din nila ang naging desisyon ng kanilang mga anak na unahin ang kanilang mga trabaho kaysa ang umuwi sa kanilang mga magulang.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.