Connect with us

Viral

Isang lalaki ang nag-ampon sa asong ito na mayroong kanser upang sa huling mga sandali niya ay makaranas siya ng tunay na pag-aalaga at pagmamahal mula sa isang kaibigan!

Published

on

Isang lalaki sa Argentina ang nagbigay sa asong ito ng pinakamagandang “farewell gift” bago siya mawala sa mundo, ito ay ang makaramdam o makaranas siya ng tunay na pagmamahal at pagkalinga mula sa kaniyang amo. Ang kawawang aso na ito ay nakilala ng marami bilang si Thanos, sa kasamaang-palad ay natuklasan ng mga doktor na siya ay mayroong kanser dahilan upang magkaroon siya ng malaking bukol sa kaniyang ulo.

Sa kabila ng mabigat na kalagayan ng asong si Thanos ay napunta na rin pala siya sa apat na mga pamilya ngunit lahat ng ito ay inayawan din siya dahil sa kaniyang malubhang karamdaman. Buti na lamang at nagtagpo ang landas nila ni Luciano Karosas na siyang nag-uwi sa kaniya sa kaniyang tahanan upang doon ay maalagaan siya ng husto sa huling mga sandali ng kaniyang buhay.

Ilang linggo na lamang ang nalalabi sa buhay ni Thanos na ngayon ay Coconut na kung tawagin ni Luciano nang iuwi niya ito sa kanilang bahay. Naging napakahirap din para sa asong ito ang pagpasa-pasahan siya ng ilang mga pamilya dahil lamang hindi na nila makaya ang alagaan siya.


Hanggang sa dinala na nga siya sa isang animal shelter kung saan na siya nakilal a ni Luciano. Hindi na raw napigilan pa ng 21 taong gulang na si Luciano ang kaniyang nararamdaman na awa sa asong ito nang malaman niya ang kaniyang istorya.

Kung kaya naman kaagad siyang gumawa ng paraan upang maiuwi kaagad ang aso. Noong una ay nais lamang niyang tulungan ang aso na ito hanggang sa tuluyan na siyang mamaalam ngunit nang makalipas ang ilang araw at ilang linggo ay ninais na rin ni Luciano na ipakonsulta pa sa ibang doktor si Coconut at baka sakaling mayroon pang posibleng solusyon sa kaniyang malubhang sakit.

Ngunit lahat ng kanilang puntahan ay iisa lang ang sinasagot. Wala nang lunas ang kaniyang karamdaman.

Buhat noon ay mas naging close pa ang dalawa at talagang sinisigurado ni Luciano na naibibigay niya ang lahat lahat na pangangailangan ng kaniyang alaga. Hindi nagtagal at tuluyan nang sumuko si Coconut at tuluyan nang binawian ng buhay.

Malungkot man ay naging masaya na rin si Luciano para sa kaniyang kaibigan dahil hindi na ito makakaranas pa ng sakit sa kaniyang patutunguhan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.