Connect with us

Viral

Isang ibon na mayroong kakaibang hitsura at mayroong kakayahan na mag-“camouflage”, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Mapalad ang Pilipinas dahil marami tayong iba’t-ibang klase ng halaman, bulaklak, at mga hayop. Hindi na nakapagtataka na marami sa mga dayuhang turista na bumibisita sa ating bansa ang talagang nabibighani sa taglay na kagandahan ng maraming mga lugar dito.

Maliban sa mga magagandang tanawin at nakakarelaks na mga lugar para sa mga turista, marami ding mga interesanteng bagay ang talagang sa Pilipinas lamang natin makikita. Halimbawa na lamang ang mga endangered na halaman at hayop na pinapangalagaan ng mga pribado at pampublikong ahensiya natin.

Maging sa ibang bansa ay prayoridad din ang mga endangered species na ito. Tulad na lamang halimbawa ng isang kakaibang ibon na ito sa Venezuela.

“Potoo” ang nakagisnang tawag sa ibon na ito na talagang may pambihirang hitsura. Hindi tulad ng ibang mga ibon na cute kung ating mapagmamasdan, ang ibon na ito ay tila ba “out of this world” ang hitsura.

Katulad ng mga kuwago ay “nocturnal” din ang mga Potoo. Gising sila sa umaga at tulog naman sa gabi. Isa sa mga nakakatuwang katangian ng mga Potoo ay “monogamous” sila.


Isa lamang ang kanilang nagiging asawa at magkatuwang silang nagpapalaki ng kanilang mga inakay. Halos 30 araw din ang tinatagal bago mapisa ang mga itlog. Salitan sa paglilim ang lalaki at babaeng Potoo.

Maging sa pagkuha ng pagkain at pagprotekta sa kanilang mga itlog ay nagtutulungan ang mag-asawang Potoo.

Madalas silang makita sa South at Central Amerika. Sa mga sanga ng puno sila naninirahan o di kaya naman ay sa tuktok ng puno. Madalas na insekto ang kanilang kinakain na nahuhuli nila tuwing gabi.

Sa tuwing makakaramdam sila ng panganib ay naninigas sila at nagagawa nilang magtago sa pamamagitan ng pagbe-blend sa kulay ng kanilang paligid. Tinatawag din ang abilidad nilang ito na “camouflage”.

Iba man ang kanilang hitsura ay talagang marami pa rin ang namamangha sa mga pambihirang katangian nila kahit pa nga sila ay mga ibon lamang.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.