Connect with us

Viral

Isang batang lalaki ang palagi na lang napapagalitan sa klase dahil sa hilig nito sa pagdu-doodle, kalaunan ay mayroong isang restawran na kumuha sa kaniya upang mag-doodle sa naturang establisyemento!

Published

on

Marahil noon pa man ay madalas na nating naririnig na mayroon man tayong pagkakatulad sa ilang mga tao sa ating paligid, marami din tayong mga kakaibang katangian na nararapat talaga nating ipagmalaki. Halimbawa na lamang ang batang ito na si Joe Whale. Siya ay siyam na taong gulang na at talagang hilig nito ang pagdu-doodle.

Sa kasamaang-palad ay nadadala niya ang hilig niyang ito sa kanilang klase kung kaya naman madalas ay napapagalitan siya.

“He was in school getting frustrated at the little amount of art he could do so he used to doodle on the table’s whiteboard in class and get into trouble for doodling,” Pahayag ng kaniyang ama na si Greg.

“Joe is a really talented little boy, he’s excelling at school, he’s a great footballer and cricketer, but drawing is definitely what he is most passionate about.” Dagdag pa niya.

Kalaunan ay napansin nilang mag-asawa kung gaano kaganda ang mga doodle ng kanilang anak na si Joe. Ito ang naging dahilan upang papasukin nila ito sa isang “after-school art class”. Mula noon ay mas nahasa pa ang talentong ito ni Joe. Mas marami din ang naka-appreciate sa angkin niyang talent mula noon.

“His mum and I decided to get him into an art class outside of school called Bloom, he’s been there for about six weeks and he loves every minute of it. His drawings blew his teacher away and they gave him his own wall to keep doodling on which he does every week when he goes there.” Salaysay pa ni Greg.

Hindi nga nagtagal at bumilib din kay Joe ang isang restawran sa Shrewsbury, “Number 4”. Labis ang kaligayahan nina Greg para sa kanilang anak dahil gusto ng owner ng naturang restawran na punuin ni Joe ng doodle ang kanilang main dining area!

Talaga namang napakaganda ng kinalabasan nito. Masayang-masaya din si Joe sa pagkakataong naibigay sa kaniya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.