Connect with us

Viral

Isang estudyante ang tumigil na sa kaniyang pag-aaral upang maging isang TikToker kung kaya naman pinagtrabaho siya ng kaniyang ama bilang isang laborer upang turuan siya ng leksyon!

Published

on

Nang sabihin ng kaniyang anak na sobrang “bored” na raw ito sa pag-aaral at nais nang huminto dahil mas nais niyang tutukan ang pagiging isang TikToker, nagdesisyon ang ama na ito na ipasok bilang “laborer” ang kaniyang anak. Tunay nga na hindi talaga madali maging isang magulang.

Hindi simple ang pagpapalaki ng anak. Nitong mga nagdaang taon dahil na rin sa epekto ng pandemya, marami sa mga estudyante ang nag-aaral na lamang online.

Kadalasang bukang-bibig nila ay talagang nakakainip o nakaka-bored daw ang ganitong sistema. Ito ang naging dahilan upang magdesisyon na lamang basta basta ang isang estudyante na huminto sa kaniyang pag-aaral at pagtuunan ng pansin ang pagnanais niyang mag-TikTok na lamang.

Ang pangyayaring ito ay naganap sa Mexico, nakilala ang mag-aaral bilang si Estrella. Ayon sa naging pahayag ng kaniyang ama, naglayas daw ng bahay ang kaniyang anak dahil ang gusto daw nitong mangyari sa kaniyang buhay ay maging isang social media influencer.


Mas madali raw ang kumita ng pera dito kung kaya naman hindi na niya kakailanganin pa ang magtapos ng pag-aaral.

“My daughter had run away from home because she wanted to do TikToks, so I brought her here to the construction site so she can see that it’s not easy to earn money. You have to work hard for money. She says that she can earn more than a professional doing TikToks. She doesn’t want to study,” Pahayag ng ama.

Labis na nagulat ang ama ni Estrella nang magmula mismo sa bibig ng kaniyang anak na mas nanaisin pa nitong maging isang influencer kaysa mag-aral at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap. Kung kaya naman kinabukasan ay agad niyang dinala ang kaniyang anak sa construction site kung saan siya nagtatrabaho bilang isang bricklayer.

Sinabi niya sa kaniyang anak na magbuhat ng isang sako ng semento ngunit hindi niya ito makaya dahil sa sobrang bigat.

“You’re not cut out for this kind of thing, Estrella. You were raised delicately. In the real world, you have to earn your money by the sweat of your brow. That TikTok stuff isn’t going to do you any good,” Pangangaral pa muli ng ama sa kaniyang anak.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.