Connect with us

Viral

Isang 11 taong gulang na bata ang umantig sa puso ng publiko dahil sa pagsusumikap nitong mapalaki at masuportahan ang kaniyang tatlong mga kapatid!

Published

on

Ang pagpapalaki ng mga anak at pagtuturo sa kanila ay hindi madaling responsibilidad kahit noon pa man. Kung ikaw ay isang “breadwinner” ng pamilya o di kaya naman ay isang “single parent” ay tiyak na marami ka na ring pinagdaanang hirap sa buhay.

Kung para sa marami sa atin na nasa wastong gulang na ay talagang mahirap ang mag-alaga at magpalaki ng anak, tiyak na mas mahirap ito sa mga kabataan tulad na lamang ng 11 taong gulang na binatilyong ito mula sa Columbia. Dahil sa ulila na siya at ang tatlo niyang mga kapatid, kinailangang gampanin ng batang ito ang responsibilidad ng isang ama at isang ina.

Siya ay nakilala bilang si Juan Pablo. Natuklasan ng otoridad na hindi pala nila nakilala ang kanilang ama at tanging ina lamang nila ang siyang nagpalaki sa kanila.

Isang araw ay hindi na lamang umuwi sa kanilang bahay ang kanilang ina. Patuloy pang naghintay si Juan para sa pagbabalik ng kanilang ina nang ilang araw, ilang linggo, at buwan ngunit hindi na bumalik pa ang kanilang ina.

Nang mapagtanto niyang hindi na sila babalikan pa ng kanilang ina ay ginawa na ni Juan ang kaniyang makakaya para sa kaniyang mga kapatid. Araw-araw ay inihahatid niya ang mga kapatid niya sa eskwela, pagkatapos ay siya naman ang papasok.


Pagkatapos ng klase ay matiyaga naman siyang namamalimos ng pera sa bangketa. Sa tuwing wala silang pera at pagkain at sa basurahan naman ang takbo ni Juan.

Dito ay nangangalkal siya ng mga pwedeng pa nilang makain o di kaya naman ay maibenta upang maging pera. Isang araw ay mayroong narinig na iyak ng bata ang kapitbahay nina Juan, dahil sa takot at pag-aalala ay agad itong tumawag sa polisya na agad din namang rumesponde.

Nang buksan nila ang bahay nina Juan ay nagulat silang wala pala silang mga magulang ngunit nagagawa pa rin ni Juan na mapakain at maasikaso ang kaniyang mga kapatid nang sila sila lamang ang nagtutulungan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.