Connect with us

Viral

Ito pala ang nakakamanghang kwento ni Tony Tan Caktiong na siyang founder ng Jollibee Foods Corporation!

Published

on

Walang kaduda-duda na ang pinakilalang fast food restaurant sa bansa ay walang iba kundi ang Jollibee. Talaga naman na sa mahabang panahon ay naging bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino ang fast food chain na ito.

Hindi lamang sa mga graduation, recognition, reunion, birthday o Christmas parties, kundi maging sa kasalan at marami pang holidays ay talagang may Jollibee. Ngunit hindi batid ng nakararami ang kwento sa likod ng pagsusumikap ng taong dahilan kung bakit mayroong Jollibee ang mga Pilipino.

Siya ay walang iba kundi si Tony Tan Caktiong. Siya ay isang bilyonaryong negosyante. Founder at chairman siya ng Jollibee Foods Corporation at co-chairman naman siya ng Double Dragon Properties.

Ang matagumpay na negosyante palang ito ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Pangatlo siya sa pitong magkakapatid.

Mahirap lamang sila noon kung kaya naman nagdesisyon ang kaniyang mga magulang na manirahan na sa Pilipinas mula sa Tsina. Siya ay anak ng isang cook na noon ay nagtatrabaho sa isang Buddhist Temple.

Mahirap man ang karanasan sa buhay ay naging susi ito upang mas magpursige siya para sa kaniyang pamilya. Masisipag ang kaniyang mga magulang na naman naman nilang magkakapatid.

Nagtayo sila ng maliit na negosyo noon, isang restawran sa Davao. Naging matagumpay ang negosyo nilang ito kung kaya naman nakapagtapos siya sa University of Santo Tomas (UST) sa kursong BS Chemical Engineering.

Taong 1975 naman nang mag-franchise siya ng Magnolia Ice Cream House. Noon ay 22 taong gulang pa lamang siya at nagbayad siya ng P350,000 para sa pag-franchise nito.

Nagbukas siya ng negosyo niyang ito sa Cubao at Quiapo. Makalipas ang 3 taon ay naisipan naman niyang itayo ang Jollibee kung saan una nilang ipinakilala ang fried chicken na ngayon ay kilala na bilang Jollibee Chikenjoy.

Nagkaroon din sila ng mga hamburger at spaghetti para sa mga Pinoy. Sa ngayon, ang Jollibee Foods Corporation ay nag-expand na at mayroon na ring Greenwich, Chowking, Mang Inasal, Manong Pepe’s, at Red Ribbon.

Ayon sa Forbes Magazine, nitong Enero 2021 ay ika-siyam siya sa pinakamayamang Pilipino sa bansa na may net worth na $2.4 billion.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.