Connect with us

Viral

Dating nangangalakal lamang ng basura noon, ngayon ay isa nang CEO at mayroon nang sarili niyang negosyo!

Published

on

Lahat tayo ay nakaranas ng paghihirap sa buhay kung kaya naman talagang marami din sa atin ang nasusumikap sa buhay upang kahit papaano ay makaahon sa buhay. Isa na sa mga ito si Joy Binuya na isa nang matagumpay na businesswoman sa ngayon.

Noon ay nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangangalakal at pagbabasura sa Payatas sa Quezon City. Sinong mag-aakala na sa ngayon ay mayroon na siyang isang beauty products company na mayroong 14 na mga empleyado?

Nakapagpundar na din siya ng isang condominium unit at dalawang palapag na bahay para sa kaniyang pamilya. Sa kaniyang pagsusumikap ay nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Management Major in Marketing Management taong 2019.

Ayon sa naging pagbabahagi ni Joy sa kaniyang mga naging karanasan noong kaniyang kabataan, ang kaniyang ama ay nasawi agad nang siya ay 5 taong gulang pa lamang. Kung kaya naman ginawa ng kaniyang ina ang lahat upang masuportahan silang magkakapatid.

Ginawa din naman ni Joy at ng kaniyang mga kapatid ang lahat upang matulungan ang kanilang ina. Dahil sa kanilang ginawang pamamasura noon ay nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral gayundin ang kaniyang mga kapatid.


Ayon kay Joy, ang kaniyang negosyo ay nagsimula talaga sa drop-shipping mga beauty products kung saan hindi na kailangan pa ng malaking kapital. Maaari kang magsimula ng negosyong ito kahit wala ka pang puhunan.

“Yung wala akong puhunan. Kumbaga, nagbebenta lang ako para doon sa iba, pero parang ako yung parang middle man nila. Reseller ka, pero wala kang onhand [money]. Taga-post ka lang, pero tumatanggap ka ng payment, ganoon. Doon ako nakaipon,” Pagbabahagi ni Joy.

Nang napansin niyang magiging patok talaga ang pagiging isang reseller ay dito siya nagpundar ng cellphone, load para sa kaniyang internet at sinamahan din niya ng sipag. Taong 2014 daw ay wala pa talagang nagbebenta kung kaya naman agad siyang nakapagsimula, nakaipon, at nagtagumpay.

Ang kaniyang negosyo na Clarity Essentials ay anim na taon na rin ngayon at patuloy pang lumalago sa paglipas ng mga taon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.