Connect with us

Viral

SENSITIBONG PAKSA: Isang magnanakaw, hindi na nakuntentong nakawan ang isang kwartong ito dahil sa dumumi pa siya mismo rito pagkatapos tangayin ang ilang mga gamit!

Published

on

Hindi na natin maiiwasan pa ang makaranas ng ilang mga krimen, malaki man o malaki, sa araw-araw. Marahil ay marami talaga sa atin ang nagsusumikap na magbanat ng buto at kumita ng pera sa malinis na pamamaraan ngunit mayroon din namang iilan na mas pinipili na lamang gumawa ng hindi maganda.

Nariyan na ang pagnanakaw, panghoholdap, at marami pang karumal-dumal na krimen. Ngunit maliban pala sa mga ito ay mayroon pang nakakadiring gawi ang ilang mga masasamang-loob.

Narito na ang mag-iwan ng dumi nila mismo sa lugar na kung saan sila nagnakaw. Ito ang naging masalimuot na karanasan ng netizen na si Cedie Regalado.

Ayon sa kaniyang post ay nanakawan siya ng laptop, cellphone, at Bluetooth speaker sa kaniyang kwarto. Sinira din ng kawatan ang screen dito kung saan siya nakapasok at nakalabas.

Nakakapanlumong malaman na nawala ang mga gamit na kaniyang naipundar ngunit mas nakakagalit nang makita niyang dito pa talaga mismo tuma3 ang magnanakaw sa kaniyang kwarto. Hindi lamang siya nawalan at nanakawan ng kaniyang mga gamit, maglilinis pa siya ng nakakadiring dumi ng walang pusong magnanakaw!

Galit na galit din naman ang maraming mga netizens na nakakita sa post niyang ito. Talagang wala nang natitira pang kahihiyan para sa magnanakaw na iyon dahil sa paggawa niya ng nakakadiring bagay na ito kahit pa nga mayroon naman daw CR ang kaniyang kwarto ayon kay Cedie.


Bandang 3:30 daw ng umaga nangyari ang pananalakay kung kaya naman pinayuhan din niya ang publiko na mas maging maingat at mapagbantay. Ang post na ito ni Cedie ay noon pang 2019 ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong umaani ng mga komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Hindi na bago sa Pilipinas ang mga ganitong klase ng krimen tulad ng pagnanakaw. Ngunit sadyang nakakagigil ng husto kung ang magnanakaw ay gagawa pa ng kahit anong kababuyan sa loob mismo ng iyong tahanan!


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media