Connect with us

Viral

Isang 10 taong gulang na bata, nagtitinda ng kabute sa ilalim ng matinding sikat ng araw kumita lamang ng kaunti para sa kaniyang pamilya!

Published

on

Madalas tayong makakita ng mga batang naglalaro sa lansangan noon bago ang pandemya. Hindi alintana ang init ng araw, ang nakabadyang panganib, at ang dumi o pawis sa kanilang katawan makapaglaro lamang sila kasama ang kanilang mga kaibigan.

Aakalain mong wala silang dinadalang problema dahil sa sobrang liksi ng kanilang pangangatawan at hindi rin mapawi ang napakasarap na halakhak nila habang sila ay naglalaro. Hindi na rin nakapagtatakang marami sa atin ang gusto na lamang bumalik sa pagkabata.

Dahil noong mga bata pa tayo ay wala naman tayong mabibigat na tungkulin at responsibilidad. Ang ating mga magulang ang siyang nagbibigay sa atin ng lahat ng ating mga pangangailangan kung kaya naman wala na tayong kailangan pang isipin.

Ngunit hindi pala lahat ng kabataan ay nakakaranas ng ganito kadali at kasimpleng pamumuhay. Tulad na lamang halimbawa ng batang si Jessie Almoza.

Minsan na siyang namataan na tila may hinihintay sa isang munting silong na nasa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet. Inakala nang iilan noon na siya ay namamahinga lamang ngunit siya pala ay nagtitinda ng organic mushroom na tinatawag ding “bo-o” sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Ginagawa ito ng grade 4 student na si Jessie para sa kaniyang pamilya. May sakit kasi ang kaniyang ama at hindi na makapagtrabaho habang ang kaniyang ina at kapatid naman ang siyang kumukuha at nangongolekta ng mga kabute na ito.

Sa munting halaga na kinikita niya ay nakakaraos kahit papaano ang kaniyang pamilya. Kung kaya naman walang reklamo ang batang ito sa pagbebenta ng mga kabute sa mga estrangherong dumaraan sa naturang lugar.

Marami ang lubos na humanga kay Jessie dahil sa kaniyang murang edad ay talagang makikita kung gaano ito kasipag at kadeterminado sa buhay. Mabigat man ang pagsubok na kinakaharap ng kaniyang pamilya ay hindi pa rin siya sumusuko at nagrereklamo.

Napakagandang halimbawa nito para sa maraming mga kabataan na tila hindi nabibigyang-halaga kung ano man ang mga bagay na mayroon sila ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media