Connect with us

Viral

Isang lalaking lasing na nabalitang nawawala, sumama mismo sa sarili niyang search party!

Published

on

Masarap ang mabuhay sa mundo kahit pa nga napakaraming mga pagsubok at paghihirap ang araw-araw nating nararanasan. Tayong mga Pilipino, natural na lamang na naghahanap pa rin tayo ng maraming paraan at dahilan upang makaraos sa araw-araw.

Ngunit madalas, kung hindi na natin talaga kaya at tila ba susuko na tayo sa buhay ay sinisikap pa rin nating lumaban at magpatuloy sa buhay. Marahil ay kaunting pamamahinga lamang o di kaya naman ay pag-inom ng kaunting alak.

Minsan nga lang, ang pag-inom ng alak at paglalasing ay maraming hindi magandang naidudulot sa atin. Tulad na lamang nang nangyari sa isang lalaking ito na diumano ay nawala raw sa isang kagubatan sa Turkey matapos malasing.

Siya ang 50 taong gulang na si Beyhan Multlu. Ayon sa ilang mga ulat, nang malasing sila ng kaniyang mga kaibigan ay naglibot pa sila sa kagubatan ngunit hindi na bumalik pa si Mutlu.

Kung kaya naman agad na humingi ng tulong ang kaniyang mga kaibigan sa otoridad. Nagsagawa naman agad ng search operations ang kinauukulan upang matagpuan kaagad si Mutlu.

Mas marami pa ang mga volunteer na sumali sa search operations nang kumalat ang balita tungkol sa nawawalang si Mutlu. Nang isigaw naman ng mga rescuers na ito ang pangalan ng nawawalang lalaki ay laking gulat ni Mutlu dahil siya pala ang hinahanap nilang nawawala!

“Who are we looking for? I am here.” Pagtataka ni Mutlu.

Marami ang napanatag na dahil sa natagpuan na nila ang nawawalang si Mutlu ngunit mas marami ang nagulat dahil siya pala mismo ay kasamang nag-volunteer sa kaniya mismong search operations. Pinauwi naman agad ng pulisya si Mutlu at siniguradong ligtas ito.

Hanggang ngayon ay wala pa ring eksplanasyon kung paano siya napasama sa naturangsearch party. Talaga namang nakakatawa ang pangyayaring ito ngunit kahit papaano ay hindi na rin mag-aalala pa ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media