Connect with us

Viral

Vlogger na si Virgelyn, masayang nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa Aeta Community kung saan siya ay naghatid din ng tulong!

Published

on

Kung noon ay hindi pa kilala at talagang wala pang masyadong sikat na mga vloggers o YouTuber. Ngayon ay talagang napakarami nang mga vlogger na Pinoy hindi lamang dito sa ating bayan kundi maging sa ibang bansa na rin.

Kaniya-kaniya din naman sila ng mga konsepto para sa kanilang mga channel. Mayroong iilan na nagbabahagi ng mga videos tungkol sa kanilang pamamasyal o pagbibiyahe sa loob at labas ng bansa, mayroon din namang iilan na nagpapasilip ng kanilang magagarang bahay, sasakyan at mga kagamitan.

Ngunit mayroon din palang nagpapakita ng napakagandang kasaysayan ng ating bayan. Tulad na lamang ng vlogger na si Virgelyn na una nang nakilala dahil sa pambihira niyang pagtulong ibang tao.
Para naman sa kaniyang kaarawan ay masaya niyang pinasyalan ang isang Aeta community. Ayon sa mga nauna nang artikulo ay namahagi siya rito ng sako-sakong mga bigas, manok at hotdog na maaari na nilang lutuin.

Maliban sa mga ito ay namahagi din siya ng kaunting tulong pinansyal para sa mga katutubong Aeta. Hindi na rin napigilan pa ng sikat na vlogger na maging emosyonal nang makita ang ilan sa mga ito na mayroong karamdaman ngunit wala man lamang pambili ng kanilang gamot.

Dahil sa natural na malambot ang puso at mapagbigay si Virgelyn ay dinagdagan niya ang pinansiyal na tulong para sa kanila. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na makitang nagtutulungan ang marami sa atin sa kabila ng mahirap na kalagayan natin ngayon dahil sa pandemya o di kaya naman ay dahil sa mga personal din nating problema.

Kung magtutulungan lamang tayong lahat ay tiyak na mas magiging magaan ang dalahin ng bawat isa. Tiyak na marami din ang darating pang biyaya kay Virgelyn dahil sa ginagawa niyang pagtulong na ito sa kaniyang kapwa.

Sana ay mas marami pa siyang matulungan at mas marami pa ang mga taong maimpluwensiyahan niya sa pagtulong.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media