Connect with us

Viral

Whamonette at babaeng nagpapatibok ngayon ng kaniyang puso, sumorpresa sa maraming mga netizens!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, wala nang maitatago sa publiko lalo na nga at laganap na talaga ang internet, social media at marami na ring mga Pilipino ngayon ang bihasa sa pagganap ng mga gadgets. Aminado naman ang marami sa atin na maraming magagandang benepisyo sa atin ang internet ngunit marami din naman ang mga hindi magagandang epekto nito.

Madalas ay nakakarinig at nakakakita tayo ng mga panlalait at panghuhusga patungkol sa ibang tao. Maaaring dahil sa kanilang pisikal na hitsura o di kaya naman ay sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan.

Kamakailan lamang ay marami ang nasorpresa nang ibahagi ng vlogger na si Whamonette ang ilang mga larawan nila ng kaniyang nobya. Siya ay walang iba kundi si Antonette Gail. Sa ilang mga larawan ay makikita kung gaano ka-sweet ang dalawa sa isa’t-isa.

Mayroong isang larawan sina Whamonette kung saan nakayakap ang vlogger sa kaniyang kasintahan. Isang larawan pa ang makikita kung saan tila mag-kikiss ang dalawa.

Sa ikatlong larawan naman ay malagkit na nagtititigan ang dalawa. Sa huling larawan ay makikita ang napakagandang set-up kung saan mayroong nakasulat na mensahe sa kwarto na nagsasabing “Can You Be My Girlfriend?”

May mga dekorasyon din ang kwarto at talaga namang napaka-sweet ng ambiance nito. Marahil ito ang naging simula ng kanilang opisyal na relasyon.

Sa ngayon ay marami nang likes at reactions ang naturang post. Mayroon na ding higit sa 69,000 na mga komento at higit sa 25,000 na mga shares.

Marami din naman ang nagkomento patungkol sa post na ito. Maraming nagpahayag ng kanilang suporta sa dalawa habang mayroon din namang iilan na tila duda sa tunay na relasyon nila.

Ayon sa ilang mga netizens, maaaring gawa-gawa lamang nila ito bilang isang publicity upang mas marami pa ang magkainteres sa kanilang tambalan. Mas maraming tagahanga at tagasuporta ay tiyak na mas maraming kita para sa kanilang dalawa, ayon sa ilang mga netizens.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media