Connect with us

Viral

Isang 66-anyos na lolo, natanggap na sa trabaho matapos ang 12 bagsak sa pag-aapply pa lamang!

Published

on

Marami ang bumilib at humanga sa matandang lalaki na ito dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang determinado pa rin siyang makuha ang trabahong kaniyang ina-aaplyan sa isang BPO Company. Isang online seller sa katauhan ni Therez Causing ang nasorpresa nang malaman na ang buyer pala ng kaniyang table ay walang iba kundi si Willy Batucan, isang senior citizen na naghahanda para sa kaniyang “work-from-home” set-up.

Inakala pa nga daw ni Therez na para sa pamangkin niya ang biniling lamesa ng matanda ngunit para pala talaga ito sa kaniya.

“I was thinking it’s for his niece … sabi niya he’s working at a call center, tapos sabi niya 66 years old siya. Sabi ko, wow,” Pahayag ni Therez.

Ayon naman kay Lolo Willy, kalabaw lamang daw ang tumatanda ngunit sa puso at isip natin ay naroroon pa din ang pagnanais natin na magtrabaho. Hindi rin daw naging madali para sa matanda ang maghanap ng trabaho lalo na at sa Pilipinas ay hindi talaga nabibigyang prayoridad ang mga matatandang gustong magtrabaho.


Mas nabibigyan ng trabaho ang mga batang aplikante kumpara sa mga senior citizens. Ngunit pinatunayan lamang ni Lolo Willy na kahit matanda na siya ay kayang kaya niya pa rin ang magtrabaho.

Kahit pa nga naka-12 subok na siya sa pag-aapply at palaging bagsak, hindi pa rin siya sumuko sa ika-13 pagkakataon. At ngayon nga ay nakuha na siya sa pinakaaasam-asam niyang trabaho!

“Naka-12 na ’kong bagsak, 13 na lang. Kaya binilisan ko ’yung pag-apply. Salamat sa Diyos, yung ika-13, natanggap din ako sa wakas,” Komento pa niya.

Para naman sa kaniyang mga katrabaho sa BPO company, malaki ang respeto at paghanga nila rito dahil sa kaniyang pambihirang determinasyon sa trabaho. Hindi naging hadlang ang kaniyang edad o maging ang pandemyang kinahaharap natin sa ngayon upang ipamalas kung ano pa ang mga bagay na kaya niyang gawin para sa kaniyang pangarap at sa kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media