Connect with us

Viral

Masipag na mag-asawa, nagsimula lamang sa P1,000 na puhunan na naging dahilan upang matupad nila ang kanilang mga pangarap!

Published

on

Ang pagnenegosyo ay hindi ganoon kadali lalo na kung inaakala natin na basta mayroon kang puhunan ay magagawa mo na ito kaagad nang hindi ka nakakaranas ng matinding pagsubok. Marahil para sa marami sa atin ang magsasabi na swertehan din talaga sa pagnenegosyo.

Mayroon din namang iilan na diskarte ang isa sa pinakamabisang paraan upang lumago ang isang negosyo. Lahat naman ito ay posible ngunit para sa mag-asawang ito, talagang nagtulungan sila upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Ibinahagi mismo ni Ana Rose Aquino ang kwento ng kanilang tagumpay mag-asawa. Sa puhunan daw kasi nilang P1,000 lamang ay napalago nila ang kanilang negosyo na pagbebenta ng mga unbranded na detergent powder.

Tinawag nila itong BMRP. Kahit na mayroon na silang sinisimulang negosyo ay mas lalo pa rin silang nagtipid at ipinagpatuloy pa rin ni Ana na itabi ang sweldo ng kaniyang asawa na mayroong ibang trabaho noon. Hindi nagtagal at naging mabenta rin ang kanilang paninda.

Ang kanilang P1,000 noon ay naging P5,000 hanggang sa naging P25,000 at mas lumago pa. Tunay nga na hindi ito naging imposible dahil na rin sa pagtutulungan at pagsusumikap nilang mag-asawa.

Ang kanilang negosyo ay nadagdagan pa ng ibang negosyo tulad ng Bubble Wrap Philippines, Lakambini Inc. at Porchetta Philippines-Lechon Belly. Ibinahagi din ni Ana na kung noon ay hindi sila nakakapunta at nakakapamasyal sa malalayong lugar, ngayon ay nakapagbiyahe na sila sa Boracay, Hongkong, Macau, Singapore, Nami Island, Korea, Autralia, at marami pang iba.

Kung noon ay nagtitiis sila sa maliit na hotel room lamang, ngayon ay kaya na nilang magbayad ng malalaki at magagandang mga hotel room. Paminsan-minsan ay nagkakatampuhan at mayroon din daw silang pinag-aawayan ngunit hindi naman daw nagtatagal at naayos din ito.

Minsan ay nakakaramdam din sila ng pagod ngunit mas pinipili nilang hindi sumuko lalo na at katuwang nila ang isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media