Connect with us

Viral

Dalawang bata, hinangaan ng marami matapos na magsoli ng napulot nilang pera sa isang parking lot!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, mahirap nang magtiwala. Hindi kasi natin masisiguro na ang isang tao ay tunay na mapagkakatiwalaan natin o kaya naman ay naghihintay lamang ng pagkakataon upang tayo ay mapasama.

Nakakalungkot mang isipin ngunit madalas ay kung sino pa ang malapit sa atin, iyon pa ang talagang nagtataksil sa atin at nagkakanulo. Marahil marami na sa atin ang nakaranas nang ganitong klase ng pananamantala at kasinungalingan.

Kung kaya dapat nararapat lamang na maging mapanuri tayo palagi sa mga tao sa ating paligid. Kahit gaano pa kadelikado ang mundo, mayroon pa rin palang iilan na talagang nagagawa pa ring maging mabuti sa kanilang kapwa.

Tulad na lamang ng dalawang bata na ito na nagsilbing napakagandang halimbawa para sa maraming mga Pilipino. Nakapulot kasi sila ng pera sa isang parking lot ngunit sa halip na itago at ibili ng kanilang mga pangangailangan ay mas minabuti nilang isauli ito sa tunay na may-ari.

Mayroong driver’s license na natagpuan ang mga bata kung kaya naman naging madali na rin na mahanap ang nagmamay-ari ng salapi. Isang netizen na nakilala bilang si Xer Yoker ang nagbahagi ng kanilang kwento online.

Ang kaniyang post ay tungkol sa mabuting gawa ng dalawang batang paslit na ito. Inulan din naman ng mga positibong komento at papuri mula sa mga netizens ang post na ito.

Tunay nga na hindi natin dapat pag-interesan ang mga bagay na hindi natin pinaghirapan. Kahit pa nga tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan, dapat ay matuto tayong gumawa ng mabuti sa ating kapwa sa lahat ng pagkakataon.

Dahil dito ay pinatunayan nilang ang mga kabataan nga ang pag-asa ng bayan. Hindi naging hadlang ang edad o maging ang kahirapan upang hindi nila piliin ang tama.

Kung sana ay mas maraming gagaya sa mga batang ito, tiyak na mas magiging matagumpay at magaan ang ating mga buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media