Connect with us

Viral

Bonggang “quarantine life” nina Jinkee Pacquiao, pinag-uusapan ngayon sa social media!

Published

on

Naging napaka-kontrobersiyal ng pamilya Pacquiao nitong mga nagdaang buwan. Hindi lamang dahil sa naging laban ni Senador Manny Pacquiao sa Cuban professional boxer na si Yordenis Ugás.

Hindi rin mawala-wala ang mga kontrobersiyal at mapangahas na mga komento sa misis niyang si Jinkee Pacquiao. Dahil sa pagbabahagi ng ilang mga larawan at video ni Jinkee sa kaniyang sariling social media account ay inilarawan siya bilang isang taong walang pakialam sa iba, walang kahihiyan, at hindi marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo.

Maraming mga netizens lalo na ang mga tagasuporta ng pamilya Pacquiao ang nagkomento at dumipensa sa kanila. Maraming nagsasabi na karapat-dapat din namang mamuhay ng komportable at marangya ang pamilya ni Senador Manny dahil sa pinaghirapan niya ang bawat sentimo na mayroon sila ngayon.


Kung dati ay namulat sila sa hikahos at mahirap na pamumuhay, ngayon ay masasabi naman ng publiko na nagbunga na ang lahat ng kanilang paghihirap. Sa kabila ng mga kilalang personalidad na humuhusga at bumatikos kay Jinkee ay nananatili pa rin siyang positibo sa buhay.

Mas pinapalakas at pinatatag din niya ang kaniyang pananalig sa Diyos sa gitna ng pandemyang ito. Kamakailan lamang ay muli siyang nagbahagi ng ilang mga larawan na kuha sa hotel mismo na kanilang tinutuluyan.

Kasalukuyan kasi silang naka-quarantine dahil galing sila sa Estados Unidos. Napakaganda, napakalawak, at talaga namang mala-palasyo ang lugar na ito.

Maging ang mga pagkain na kanilang kinakain ay tiyak na masasarap dahil na rin sa mga videos at larawan na ibinabahagi ni Jinkee. Magarbo at marangya kung ilarawan ng ilan pang mga netizens at aakalain mo pa ngang isa ito sa kanilang mga mansyon ngunit ito ay isa lamang hotel na pansamantala nilang tinutuluyan.

Sa kabila ng maraming materyal na bagay, negosyo, pera at mansyon ng pamilyang ito ay mas nangingibabaw pa rin ang magagandang mga aral na ibinabahagi nila sa publiko. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na mas dumarami pa ang nagmamahal at sumusuporta sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media