Connect with us

Viral

Halaman na dinidiligan ng babaeng ito nang halos dalawang taon, plastic pala!

Published

on

Nang magsimula ang pandemyang nararanasan natin ngayon ay marami sa atin ang nakadiskubre ng mga bagong bagay na hindi natin akalain na makakahiligan pala natin. Tulad na lamang halimbawa ng maraming mga Pilipino na naging mga “plantito” at “plantita”.

Larawan mula sa IG/Caelie Wilkes

Ito ang tawag sa mga taong mahilig mag-alaga ng mga halaman. Dahil nga nasa mga bahay lamang tayo ay mas marami sa atin ang nagkaroon ng oras at panahon na mag-alaga ng mga halaman at pananim.

Naging usap-usapan din ang isang babaeng ito mula sa California na nakilala bilang si Caelie Wilkes. Siya ay isang certified plantita talaga kung kaya naman marami na siyang mga halaman sa kanilang tahanan.

Ngunit ang kakaibang karanasan niya na ibinahagi niya sa publiko ay talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens. Sa loob kasi ng halos dalawang taon ay natuklasan niyang ang inaalagan at dinidiligan niya palang halaman ay hindi totoo at plastic lamang!

Nagulat siya nang husto dahil ang buong akala niya ay totoong “succulent” talaga ito. Ang inakala niyang totoong lupa na pinagtaniman ng kaniyang halaman ay styrofoam lamang pala.

Dahil sa naging karanasan niyang ito ay binigyan siya ng maraming mga “succulents” ng isang sikat na tindahan. Mas nadagdagan pa ang kaniyang mga inaalagaang halaman.

Umani din naman ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang post niyang ito.

Larawan mula sa IG/Caelie Wilkes

“Parang yung friendship n’yo ng kaibigan mo… pinilit mong i-work out at palaguin. You end up knowing na plastic pala s’ya,” komento ng isang netizen.

“Sa buhay ng tao, pwede din siya ihalintulad, bandang huli wala palang tiwala sa iyo kahit ibinibigay mo na ang lahat hehehe, ‘yun pala plastic lang ang treatment sa iyo. HUGOT 101.” Pahayag naman ng isa pa.

“Wala ‘yan sa pinagkaiba sa nag-alaga ka at nagmahal ka ng taong akala mo totoo pero pina-prank ka lang pala. Chareng!” Ito naman ang naging reaksyon ng isa pang netizen.

Source: Balita


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media