Connect with us

Viral

Couple vlogger na sina Mariano G at Cindy, walang pakialam sa kanilang mga bashers at kumuha na rin ng sariling bahay na kanilang titirhan!

Published

on

Napakarami na nating natutunghayan sa social media. Hindi lamang mga balita tungkol sa mga paborito nating artista, o di kaya naman ay tungkol sa mga pulitiko at kasalukuyang problema ng bansa, kundi maging ang mga taong dito mismo nakilala.

Isa na marahil sa mga kontrobersiyal na magkasintahan ngayon ang couple vlogger na sina Mariano G at Cindy. Sa unang tingin ay kapansin-pansin nang malaki ang pagkakaiba ng kanilang pisikal na hitsura.

Katutubong Aeta kasi si Mariano “Yano” Lingay habang si Cindy naman ay taga-Maynila. Nagkakilala ang dalawa matapos i-duet ng dalaga ang TikTok video ni Mariano.

Napansin din ito kaagad ng binata kung kaya naman nagpadala agad siya ang mensahe kay Cindy. Naging magkaibigan ang dalawa hanggang sa sinubukan nang ligawin ni Mariano si Cindy.

Ayon sa kwento ni Cindy, ang binata pa mismo ang nagpupunta sa kanila mula Pampanga patungong Maynila upang siya ay ligawan. Kalaunan ay nahulog na din ang loob ni Cindy sa kaniya dahil sa pagiging pursigido nito.

Ngunit madalas ay hindi niya matanggap ang mga masasakit na salita at panghuhusga ng ibang tao kay Mariano. Sa kabila nito ay talagang nananatiling matatag ang relasyon ng dalawa.

Sa katunayan ay ipinasilip na din nila sa kanilang mga tagasubaybay ang bagong bahay nila kung saan sila titirang dalawa sa Mariano G TV ng binata. Talaga namang nagulat ang publiko nang ibahagi nila ang desisyon nilang magsama na makalipas lamang ang sampung buwan nilang relasyon.

Mayroong ilang nagsasabi na hindi raw totoo ang relasyon ng dalawa at kailangan lamang nila itong gawin upang mas kumita ang kanilang YouTube channel. Para naman sa iba nilang tagasuporta ay totoong nagmamahalan ang dalawa kung kaya naman hindi dapat na husgahan sila basta-basta na lamang.

Tunay nga na hindi na mawawala sa marami sa atin ang agad na panghuhusga sa ating kapwa. Kahit pa nga madalas ay nakakasakit na tayo ng damdamin, hindi pa rin natin ito binibigyang-pansin.

Nakakalungkot mang isipin ngunit talagang nangyayari na ito. Sana ay mas maging responsible tayo sa araw-araw at huwag nang magpakalat pa ng mga “hate comments” at mga kritisismo na hindi naman nararapat.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media