Connect with us

Viral

Retirement house ideas na mayroong balkonahe at hardin, silipin!

Published

on

Marahil para sa maraming mga Pilipino na sumusweldo lamang ng “minimum wage”, napaka-imposible ang makapagpundar ng sarili nating bahay at lupa. Madalas pa nga ay kahit anong pagsusumikap at kahit ilang mga trabaho pa ang ating pasukin ay para bang napakaimposible pa rin na magkaroon tayo ng bahay na matatawag natin na sa atin talaga.

Kamakailan lamang ay napukaw ang atensyon ng maraming mga netizens sa napakagandang mga bahay na ito. Ang mga larawang ito ay ilan lamang sa mga retirement house ideas na mayroon ding balcony at garden.

Talaga namang napakasarap tumira sa ganito kaganda at kaaliwalas na lugar. Marahil marami din sa atin ang nag-iisip kung mas mabuti bang magretiro at magpundar ng bahay sa probinsiya o di kaya naman ay sa mga siyudad pa rin?

Marami itong mga “pros” at “cons” ngunit tiyak naman na matatagpuan din natin ang nararapat na tirahan para sa atin sa panahon na dapat na tayong magretiro. Wala namang masama sa pagiging madiskarte at magsusumikap ng husto para sa ating mga pangarap sa buhay, tulad na lamang halimbawa ng maayos na tirahan, sasakyan o kahit negosyo pa yan.

Kailangan lang natin maging maingat upang hindi rin naman labis na makasama ang ating pagpapagal sa ating kalusugan o di kaya naman ay sa iba pa nating prayoridad tulad na lamang halimbawa ng pagkakaroon natin ng sarili nating pamilya. Talaga namang napakasarap pagplanuhan ng mga bagay na ito.

Hindi lamang tayo ang makikinabang kundi lalo na ang ating pamilya na siyang dahilan kung bakit tayo nagsusumikap sa buhay. Maaaring maraming mga tao ang magsasabing hindi natin kaya ito ngunit huwag sana tayong panghinaan ng loob.

Tandaan sana natin na ang pagpapagal natin ay maibabalik din bilang isang napakagandang biyaya mula sa Diyos na walang sawang nagbibigay sa atin ng lahat ng bagay na ating tinatangtilik. Kung kaya naman sa oras na makamit na natin ang pangarap nating ito, huwag din sana tayong makalimot sa Diyos.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media