Connect with us

Viral

Alamin ang naging buhay ni Jerick Sigmaton a.k.a. Carrot Man noon matapos kumalat ang kaniyang mga larawan habang nagtatrabaho!

Published

on

Marami na tayong nakilalang mga sikat na personalidad sa telebisyon at pelikula. Ngunit sa mga nagdaang taon ay mas marami ang biglaang sumisikat dahil sa social media.

Marahil ito ay dahil sa laganap na talaga ito sa bansa. Marami sa atin ang madalas na naglilibang sa pamamagitan ng pagbabasa at panunuod sa mga kilalang social media sites.

Isa na nga sa mga personalidad na pinalad na makilala online ay si Jerick Sigmaton. Binansagan siyang si Carrot Man dahil sa bitbit niyang mga gulay ng mga oras na iyon sa Mountain Province.


Marami ang humanga at nabighani sa mala-artista niyang hitsura. Kahit pa nga inosenteng-inosente pa ang kaniyang mukha noon ay kapansin-pansin na ang angkin niyang kagwapuhan.

Hindi maipagkakaila na sa maikling panahon ay kumalat na ng husto ang kaniyang mga larawan sa iba’t-ibang “platform” sa social media. Sinong mag-aakala na kung noon ay simpleng pamumuhay lamang ang mayroon siya, ngayon ay isa na siya sa mga kilalang personalidad sa bansa?

Matapos siyang maitampok noon sa magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Sojo” ay mas marami pang mga imbitasyon ang kaniyang natanggap tulad na lamang ng guestings na kaniyang natanggap sa “Bubble Gang”, “Unang Hirit”, “Sunday Pinasaya” at “Wowowin”. Nang minsan siyang makadaupang-palad ng batikang komedyante at host na si Willie Revillame ay talagang walang pagsidlan ang kaniyang kaligayahan.

 

Masayang masaya siya dahil sa pag-imbita sa kaniya ng isang kilalang programa sa telebisyon. Nabigyan din siya ng pagkakataon na maging isang brand ambassador ng isang kilalang clothing line sa bansa.

Nakarating na din siya sa mga bansa tulad ng Singapore, Thailand, Korea, at United Kingdom. Sa ngayon ay naninirahan siya sa Baguio City at abala siya sa pag-aalaga ng kaniyang katawan at kalusugan dahil ito ang kaniyang puhunan sa kaniyang trabaho bilang isang modelo.

Pangarap din niyang maging isang mahusay na boksingero tulad ng kaniyang iniidolong si Senador Manny Pacquiao.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media