Connect with us

Viral

May-ari ng tindahan, tumulong sa isang delivery rider na nakatulog sa harap ng kaniyang tindahan matapos kainin ang binili niyang banana cue at nag-kape!

Published

on

Marami ang naawa at nahabag sa isang delivery rider na hindi na napigilan pa ang antok at matinding pagod kung kaya naman sumandal sandali sa isang tindahan kung saan siya bumili ng kaniyang pagkain na banana cue at kape. Nagulat din ang may-ari ng tindahan na nakilala bilang si Joy Galvan dahil hindi niya inaasahang makita sa ganoong kalagayan ang naturang delivery rider.

Ang delivery rider na ito ay si Michael Labiana. Nagpa-load ito sa tindahan ni Joy at doon na rin siya kumain ng kaniyang banana cue at nag-kape!

Nagpaalam ito na uupo lamang sa harapan ng kaniyang tindahan ngunit nang silipin niya ito ay nakatulog na ang kawawang lalaki dahil marahil sa matinding pagod at antok sa maghapon na pagtatrabaho. Halos limang minuto rind aw naka-idlip ang lalaki.

Hinayaan lamang ito ni Joy ng mga oras na iyon at sinamantala ang pagkakataon upang ihanda ang kaunting tulong na kaniyang ibibigay sa lalaki. Nang magising si Michael ay binigyan siya ni Joy ng kaunting pagkain at cash.

Bakas naman sa mukha ni Michael ang kaligayahan dahil sa biyayang natanggap. Marami pa ang nagnais tumulong sa kaniya nang kumalat ang post ni Joy tungkol sa kaniya.

“Sobra po talaga akong naawa kaya habang tulog siya ay hinanda ko na ‘yung ibibigay ko sa kaniya na bigas, prutas, mga kape at kaunting cash,” Pagkukwento ni Joy.

“Tanong ko nga sa kaniya pagkagising: “kaya niyo na po ba bumiyahe?” Oo raw, pero makikita mo sa mata niya na grabe ang pagod niya,” sambit pa ni Joy.

Tunay nga na hindi madali ang pinagdaraanan natin sa ngayon. Marami sa atin ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at kinakailangang mag-doble kayod para sa pamilya.

Sa kabila ng banta at takot ng pandemya ay talagang sumusuong pa rin tayo sa panganib upang maghanap-buhay. Hindi na alintana ang pagod, hirap, o antok para lamang mairaos ang maghapon.

Sana mas marami pa ang katulad ni Joy na handang tumulong sa mga taong nangangailangan kahit sa pinakasimple at pinakamaliit na paraan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media