Connect with us

Viral

Jinkee Pacquiao, hinangaan ng maraming netizens dahil sa kaniyang “ageless beauty” sa edad na 42 taong gulang!

Published

on

Si Jinkee Capeña Jamora o mas nakilala natin bilang si Jinkee Pacquiao ay 42 taong gulang na modelo, businesswoman, occasional producer, socialite at social media personality. Minsan na rin siyang nagsilbi bilang Vice Governor ng Sarangani sa Mindanao.

Maliban pa rito ay kilala din siya bilang may bahay ng batikang boksingero na si Senador Manny Pacquiao. Sa ngayon ay kasalukuyang nasa Los Angeles, California ang mag-asawa dahil dito rin matatagpuan ang training camp ni Manny.

Nalalapit na kasi ang kaniyang laban sa 31 taong gulang na si Errol Spence. Si Manny ay 41 taong gulang na.

Agad na napansin ng publiko ang video ni Jinkee na ibinahagi niya mismo sa kaniyang social media account. Sa close-up video niya kasing ito ay makikita talaga kung gaano siya kakinis at kung gaano niya naalagaan ang kaniyang hitsura kahit pa nga siya ay nasa 40’s na
Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng publiko na nabiyayaan silang mag-asawa ng limang mga anak. Sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie), at Israel.

Kahit pa nga abala sa kanilang mga negosyo at gayundin naman sa pag-aasikaso sa kaniyang malaking pamilya ay hindi pa rin hinahayaan ni Jinkee na wala siyang oras para sa kaniyang sarili lalong lalo na sa pag-eehersisyo. Maingat din siya sa mga pagkain na kaniyang kinakain upang mapangalagaan ang kaniyang balingkinitang pangangatawan.

Tunay nga na walang masama para sa mga kababaihan lalong lalo na para sa mga ilaw ng tahanan na alagaan din naman ang kanilang mga sarili. Dahil kung malakas at malusog sila ay tiyak na mas magagawa nila na alagaan at asikasuhin ang kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Tiyak na mas maraming mga kababaihan pa ang magkakaroon ng pagpapahalaga ngayon sa kanilang sarili dahil kung nagawa at nakaya ni Jinkee ay siguradong magagawa rin ng mas marami pang mga kababaihan. Kailangan lamang nila ng determinasyon, disiplina at suporta ng kanilang asawa at mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media