Connect with us

Viral

Magkapatid na OFW, magkatuwang na naipatayo ang kanilang “dream house” na alay nila sa kanilang mga magulang!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga magulang, kapatid, o anak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Di hamak na mas malaki kasi talaga ang kita sa ibang bansa kung susumahin kumpara dito sa Pilipinas.

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami sa ating mga kababayan ang talagang tinitiis na lamang ang kanilang pangungulila sa ibang bansa lalo na ngayong pandemya. Ang mas nakapagpapabigat pa ng kanilang sitwasyon ay kung sakaling napunta sila sa mga abusadong amo na sinasaktan sila at hindi pinapasweldo ng maayos.

Kahit papaano ay mayroon pa rin namang mga OFW (Overseas Filipino Workers) ang nagiging mapalad sa mga pamilya at amo na kanilang napupuntahan sa ibang bansa. Kamakailan lamang ay nagbigay ng pag-asa at inspirason sa maraming mga pamilyang Pilipino ang magkapatid na OFW na ito na sina Jackielou Florida at Maria Jessa Florida.

Sa naging pagbabahagi kasi ni Jackielou ay nagdesisyon sila ng kaniyang ate na magtrabaho sa ibang bansa. Sila ay tubong Caloocan at nagtapos ng vocation course nang mayroong natatanging karangalan o pagkilala dahil siya ay 3rd honorable.

Sa edad pa lamang niyang 20-anyos ay naglakas loob na silang mag-abroad ng kaniyang kapatid. Nais kasi talaga nilang makaahon sa hirap ng buhay.

At makalipas nga ang limang taon ay naipatayo na nila ang kanilang “dream house”. Magkatuwang silang magkapatid sa pagpupundar ng pangarap nilang bahay na ito.

Malaking tipid din naman dahil sa halos ang kanilang ama na ang gumawa ng karamihan sa mga gawain dito. Labis din silang nagpasalamat sa kanilang mga magulang dahil sa suporta at pagpapalakas ng loob nila sa kanilang magkapatid lalo na ngayong pandemya na malayo sila sa pamilya.

Sa ngayon ay nagpaplano naman si Jackielou na maging OFW sa Japan upang muli ay makatuwang sa kaniyang ate sa pagpapatayo ng pangarap nilang negosyo na isang fitness gym.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media