Connect with us

Viral

Larawan ng Mt. Pinatubo na humakot ng karangalan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, nagpamanghang muli sa publiko!

Published

on

Napakaraming mga magagandang tanawin dito sa Pilipinas na talaga namang binabalik-balikan ng mga turista, dayuhan man o lokal. Hindi maipagkakaila na talagang may laban din ang ating bayan pagdating sa mgaa naggagandahang lugar na ito na nanaising matuklasan ng mga tao.

Image: Alberto Garcia

Maging ang ating mga lokal na pagkain at maging ang mga Pilipinong nakatira sa iba’t-ibang panig ng bansa ay maipagmamalaki rin natin. Hindi lamang tayo kilala sa pagiging magiliw natin sa ating mga bisita, pagiging maka-Diyos, at maka-bayan dahil kilala rin ang marami sa atin dahil sa mga pambihirang talentong tinataglay natin.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang nakakamanghang larawan na ito ng Bulkang Pinatubo. Ang Bundok o Bulkang Pinatubo ay matagpuan sa Zambales sa Isla ng Luzon.

Isa ito sa mga aktibong bulkan sa bansa na talaga namang kinatatakutan ng marami dahil sa naging mapaminsalang pagputok nito noong 1991. Marami ang nasawi, nasugatan at naapektuhan nang pagputok na ito ng bulkan.

Maging ang mga kalapit na probinsiya at bansa ay labis ding naapektuhan. Maraming buhay ang nabago at nagsilbing aral sa maraming mga Pilipino ang pangyayaring ito na bahagi na ng ating kasaysayan.

Ang photojournalist na si Albert Garcia, 63 taong gulang, ang isa sa mga nakasaksi ng bagsik ng bulkan na ito noong Hulyo 15, 1991. Ayon sa ilang mga ulat, si Garcia at ang kaniyang grupo ay malapit sa bunganga ng bulkan ang mga oras na iyon.

Image: Alberto Garcia

Halos 20 hanggang 30 kilometro lamang ang kanilang layo kung kaya naman talagang delikado ito. Sa kabila ng panganib ay nagawa pang kuhanan ni Garcia ng larawan ang paglamon ng abo ng bulkan sa kalangitan habang lulan sila ng kanilang sasakyan.

Kinakabahan at talagang takot na takot si Garcia at ang kaniyang pangkat ngunit mas ninais niyang makuhanan ng larawan ang pangyayaring ito upang makapagbahagi pa ng kwento sa mga taong makakakita ng kaniyang mga kuhang larawan. Bagamat malaki ang tyansang masawi sila ng mga oras na iyon ay kaagad niyang itinago sa kaniyang bulsa ang kaniyang film.

Sa paglipas ng 30 taon ay napakarami na ring naiuwing karangalan ng mga larawang ito. Taong 1992 nang magwagi ito ng First Place sa World Press Photo Competition sa Amsterdam.

Taong 2001 nang mapabilang naman ito sa “100 Best Pictures” na inilathala ng “National Geographic Magazine”. Napabilang din ito sa “Time: Great Images of the 20th Century,” ng Time Magazine ng parehong taon.

At nang taong 2014 ay napabilang din ito sa “32 Heart-Stopping Moments You Can Only Experience Thanks To A Camera,” ng Huffington Post.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media