Connect with us

Viral

“Glass skin” na Lechon na talaga namang nakakatakam, pinagkakaguluhan ng maraming Pinoy ngayon online!

Published

on

Maraming mga Pilipino lalo na ang mga kababaihan ang talagang nangangarap na magkaroon ng makinis at maputing balat. Ilan sa mga kababaihan ay maaaring naimpluwensiyahan na rin ng mga dayuhan dahil maraming mga dayuhan sa bansa ang mayroong maputing kutis tulad na lamang halimbawa ang mga Amerikano, Intsik, Espanyol, Koreano, Hapon at marami pang iba.

Image: Mandy Ranes/Facebook

Dahil sa ganitong kaisipan ay marami na rin sa atin ang sumusubok na gumamit ng mga pampaputi at pampakinis ng balat. Hindi nga lamang lahat ay mayroong magandang resulta.

Minsan kasi ay mas nagiging problema pa ang biglaang paglabas ng mas maraming tigyawat sa halip na tuluyang mawala ang mga ito. Mayroon din namang iilan na nahihiyang at nakakamit ang nais nilang makinis at maputing balat.

Ngunit sa ngayon, hindi na lamang pala balat natin ang maaaring maging “glass skin”! Maging ang lechon na ito na bidang-bida ngayon online ay nagtataglay din ng “glass skin”.

Hindi makapaniwala ang maraming mga netizens ng masilayan ang mga larawan na ibinahagi ni Mandy Ranes online. Siya kasi ang nagmamay-ari ng Mandy’s Lechon at madalas siyang magbahagi ng mga larawan ng kanilang mga dinideliver na lechon.

Talaga namang napakakinis at perpekto ng mga lechon na tinda nila. Hindi tuloy magkamayaw ang maraming mga netizens dahil sa katakam-takam naman talaga ang tinda nilang ito.

Image: Mandy Ranes/Facebook

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang makakita ng ganitong klase ng pagkain. Sa katunayan nga ay madalas tayong makakain nito sa mga handaan, piyesta, outing at kahit ano pang selebrasyon.

Basta handaang Pinoy, asahan mong mayroong lechon sa mesa. Dahil sa mga larawang ito ng “Glass Skin” na lechon ay mas naging mabili ang negosyong ito ni Mandy.

Tunay nga na hindi matitiis ng maraming Pilipino ang hindi maghanda ng lechon lalo na sa mga espesyal na araw at okasyon. Kahit pa nga medyo mayroong kamahalan ang mga ito ay talagang paglalaanan at pag-iipunan ng husto.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media