Connect with us

Viral

Ginawang prank sa isang birthday celebrant, naging dahilan upang siya ay maospital ng ilang araw!

Published

on

Bago pa man ang pandemya, hindi na magpapahuli ang maraming mga Pilipino sa mga kasiyahan at pagtitipon. Talagang bawat pamilya ay naglalaan ng oras at panahon upang magdiwang at makiisa sa mga taong nagdiriwang ng espesyal na araw sa kanilang buhay.

Image: Chef like.lk/Facebook

Kasal, binyag, graduation o pagtatapos, kaarawan at marami pang mga selebrasyon ang talagang pinagdiriwang nating mga Pilipino. Hindi rin maikakailang marami sa ating mga Pilipino ang likas na masiyahan at palabiro ngunit mayroon din palang mga biro na talagang nakasasakit at nakakasama sa ating kapwa.

Tulad na lamang halimbawa ng nangyari sa isang babaeng ito na biniro ng kaniyang mga kaibigan. Sa kaniyang birthday cake kasi ay nginudngod siya ng mga ito. Hindi nila akalain na mayroon palang matutulis na mga “stick” dito!

Image: Chef like.lk/Facebook

Sa halip tuloy na magdiwang ng kaniyang masayang kaarawan ay kinailangang maospital ng babaeng nagdiriwang ng kaaarawan upang masuri ang kaniyang kalagayan. Sensitibo rin ang bahaging tinaman ng naturang mga stick dahil nasa pagitan ito ng kaniyang mga mata.

Buti na lamang at hindi mismong mga mata niya ang tinamaan. Malapit din ito sa ating utang na talaga namang napakasensitibo kung matatamaan.

Nagsilbing aral naman ito sa maraming mga netizens na maging sobrang maingat kung nagbabalak man silang biruin ang kanilang kapamilya o mga kaibigan sa ganitong paraan. Madalas kasing naglalagay ng mga stick ang mga gumagawa ng cake dahil sa kailangan ito upang mapatayo ang cake habang kanilang ginagawa o inaayusan.

Image: Chef like.lk/Facebook

Bagamat mayroon din namang ilang mga baker na hindi na gumagamit ng ganito ngayon, hindi pa rin tayo dapat magwalang-bahala. Maging sensitibo tayo at mapagmasid sa lahat ng pagkakataon dahil hindi rin naman natin gugustuhin na tayo ang maging dahilan upang may mangyaring hindi maganda sa ating kapwa.

Mas masarap pa ding magdiwang ng masaya at payapa kaysa sa pagkatuwaan ang ating kapwa sa espesyal na araw mismo nila, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media