Connect with us

Viral

Anak na mahusay magpinta, niregaluhan ng isang “Portrait Art” ang kaniyang ama bilang pagpupugay sa lahat ng kaniyang naging suporta at pagmamahal!

Published

on

Maraming mga selebrasyon ang talagang pinaghahandaan nating mga Pilipino. Kung kaya naman hindi na bago sa atin ang pagdiriwang ng “Father’s Day” o ang “Araw ng mga Ama”.

Sa araw na ito ay binibigyang-pugay natin ang mga haligi ng ating tahanan. Sila ang pundasyon at sandigan ng bawat pamilya kung kaya naman kung wala sila ay magiging mahirap ito sa mga ilaw ng tahanan at maging sa mga anak.

Kung marami sa atin ang naghahanda ng masasarap na pagkain, bumibili ng mga cake o di kaya naman ay nag-aayos ng isang “family get together”, mayroon namang espesyal na paraan ang talentadong anak na si Nestor Abayon Jr. Niregaluhan niya kasi ang kaniyang ama ng isang “Portrait Art”.

Talagang marami ang namangha at napangiti sa obra niyang ito dahil sa napakaganda nito at aakalain mo ring isang totoong larawan na kuha ng camera. Sadyang napakahusay ni Nestor na magpinta at ayon sa kaniya ay utang na loob niya ito sa kaniyang ama na walang sawang sumuporta sa kaniya noon pa man.

Hindi lamang kasi ito nagbigay-suporta sa kaniya kundi ang kaniyang ama rin mismo ang tumulong na mahubog sa kaniyang talento. Ang ating mga ama ang isa sa mga taong gumabay at sumuporta sa atin.

Madalas na nagpapagal sila at nagpapakahirap sa trabaho para lamang maibigay ang pangangailangan ng buong pamilya. Napakasarap isipin na mayroon pa rin tayong mga magulang na maaari nating regaluhan at ipaghanda sa mga ganitong klase ng okasyon.

Bagamat mayroong iilan sa atin na hindi na kapiling ang kanilang mga magulang ay laking pasasalamat pa rin nila dahil sa nagkaroon sila ng pagkakataong makapiling ang kanilang mga magulang noon. Marami din namang mga netizens at mga sikat na personalidad ang bumati sa kanilang mga asawa at mga ama sa pagdiriwang ng “Father’s Day”.

Hindi matutumbasan ng anumang materyal na bagay ang kanilang mga naging sakripisyo kung kaya naman simple man o magarbo ang handa natin para sa kanila ay paniguradong masaya na sila rito dahil sa naalala natin sila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media