Connect with us

Viral

Reymar Mariano, batang sumikat sa social media dahil sa pagbabanat ng buto para sa kaniyang pamilya, nakatanggap ng maraming tulong ngayon!

Published

on

Hindi lamang mga negosyante, empleyado, at mga magulang ang apektado ng pandemyang nararanasan natin hanggang sa ngayon. Dahil maging ang mga estudyante lalo na ang mga kabataan ang talagang apektado nito.

Hindi pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan ang mga bata. Maging sa ilang mga establisyemento ay hindi rin sila pinapayagang pumasok.

Halos isang taon na rin na sa “online class” at “modular learning” lamang sila umaasa. Ngunit sa kabila pala ng mga paghihirap na ito ay mayroon pa ring ilang mga batang mas hirap pa sa inaakala natin.

Halimbawa na lamang ang sampung taong gulang na si Reymar Mariano na una nang lumabas sa programang “Kapuso mo, Jessica Soho”. Sa murang edad kasi ay batid na niya ang hirap ng paghahanap-buhay para lamang masuportahan ang kaniyang pamilya.


Gamit ang matanda niyang kabayo ay nag-aararo ito para sa kaniyang mahal sa buhay. Buhat nang maipalabas ang mahirap niyang sitwasyon ay marami na ang nagpaabot ng tulong sa kaniya.

Isa na nga rito ang grupo ng mga kalalakihang bumiyahe pa ng limang oras makilala lamang si Reymar. Ayon sa ibinahaging post ni Jed Brent Baltazar ay hindi maawat ang labis na kagalakan ng bata ang makita ang bagong kabayo na regalo nila para sa kaniya.

Bukod pa rito ay mayroon din silang inihatid na maga groceries, gamit sa loob ng bahay, tatlong sakong bigas at pera para naman sa paggagamot ng kanyang lolo at lola. Napakalaking biyaya na ito para kay Reymar at para sa kaniyang pamilya.

Labis labis din ang kanilang pasasalamat dahil sa napakaraming tao na ang nagnanais na tumulong sa kanila buhat ng mailahad ang buhay nila sa telebisyon. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagtutulungan sa puso nating mga Pilipino.

Kahit gaano pa kahirap ang buhay ay nagagawa pa rin nating maging matulungin sa ating kapwa sa simpleng pamamaraan na nakakayanan natin.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media