Connect with us

Viral

Isang ina, nagulat nang makita ang perang iniipon ng isang daga sa mismong pader ng kanilang bahay!

Published

on

Maraming mga nakakawindang na bagay ang nangyayari sa ating paligid ngayon. Talaga namang hindi kapani-paniwala sa una ngunit kung pagtutuunan talaga natin ng atensyon ay malalaman nating mayroong palang katotohanan sa likod nito.

Halimbawa na lamang ang naging karanasan ng isang ginang na ito matapos niyang habulin ang isang daga sa kanilang bahay. Hindi kasi tulad ng mga daga na nakalakihan natin na naninira ng mga bahay o di kaya naman ay mga gamit, ang daga sa kanilang bahay ay nangongolekta ng mga pera! Inakala pa noong una ng netizen na si Sherryl Anlap Tayhopon na hindi na siya marunong magbilang dahil sa palagi na lamang kulang ang kaniyang pera.

Ayon sa naging pagbabahagi niya sa Facebook post ay hinabol niya ang nakita niyang daga sa loob ng kanilang bahay. Nang sundan niya ang dagang ito sa kanilang pader ay hindi na niya ito naabutan pa.

Napagdesisyunan niyang ilawan ang bahaging iyon ng kanilang bahay at nawindang siya nang makitang mayroong mga perang papel sa mismong pader. Doon pala kasi dinadala at tinatago ng daga ang mga perang nakukuha nito sa kaniyang pitaka.


Siya lamang daw ang tao na nasa bahay nila kung kaya naman hindi niya lubos maisip kung paano at bakit mapupunta ang mga perang papel dito kundi dahil sa dagang kaniyang hinabol. Ang mga pera pala sanang ito ay para sa edukasyon ng kaniyang mga anak.

Bagamat ang ilan sa mga perang papel na ito ay sira na ng kaniyang matagpuan balak niya itong ipapalit pa sa bangko. Talaga ngang hindi na rin natin masasabi ang mga pangyayari sa ngayon dahil sa posible palang magtabi ng pera ang daga.

Hindi lamang keso ang kanilang hilig, hindi lamang pagngatngat ng mga kahoy at mga gamit sa bahay dahil sa ngayon ay hilig na rin nila ang pangongolekta ng mga perang papel.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media