Connect with us

Viral

Isang ama na PWD, sinisikap pa ring magtrabaho sa kabila ng kaniyang kapansanan para sa kaniyang anak!

Published

on

Madalas tayong magkreklamo sa hirap na nararanasan natin sa buhay o maging sa ating mga trabaho. Ngunit hindi natin namamalayan na mas marami pa rin palang mga tao ang mas hirap sa buhay nila ngunit sa halip na magreklamo ay nagsusumikap sila upang makaraos sa araw-araw.

Photo: Facebook/Wearepinoy

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang ama na PWD na patuloy pa ring nagbabanat ng buto kasama ang kaniyang anak. Si Tatay George mula sa Tiaong, Quezon ay isang “Person with Disability” o “PWD”.

Ayon sa kaniyang kwento ay nagsimula lamang sa isang simpleng lagnat ang kaniyang kapansanan ngayon. Hindi naging maganda ng karanasan ni Tatay George sa kaniyang pagkabata dahil sa noong bata pa lamang siya ay iniwanan na siya ng kaniyang ina sa isang bangka.

Buti na lamang at nakita siya kaagad ng kaniyang lolo at lola. Nang siya naman ay edad pito o walong taong gulang na ay kinuha na siya ng kaniyang ama sa pangangalaga nila.

Ayaw pang pumayag noon ng kaniyang lolo at lola ngunit wala rin silang nagawa kalaunan. Nang nasa poder na siya ng kaniyang ama ay mayroon naman itong maliit na negosyo.

Photo: Facebook/Wearepinoy

Kasama niya ang bago niyang pamilya at ang batang si George. Sa murang edad ay natuto na siyang maghanap-buhay.

Hindi alintana ang pagod at hirap kumita lamang ng kaunting pera para na rin makatulong sa kaniyang ama. Dumating ang pinakamabigat na yugto ng kaniyang buhay kung saan bumigay na ng tuluyan ang kaniyang katawan.

Nagkaroon siya ng paulit-ulit na lagnat at halos isang taon din siyang hindi nakapagpagamot noon. Dahil sa nangyari ay nawalan na ng pakiramdam ang kaniyang mga paa at tuluyan nang nabaldado ang kaniyang katawan.

Sa ngayon ay talagang nagtatrabaho pa rin siya kahit na mahirap para lamang sa kapakanan ng kaniyang anak na kasa-kasama niya rin sa kaniyang paghahanap-buhay sa araw-araw.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media