Connect with us

Viral

Una at huling yakap ng isang ama sa kaniyang anak bago ito pumanaw, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Ang ating mga anak ay biyayang maituturing mula sa Diyos. Nabigyan tayo ng isang napakagandang biyaya at responsibilidad sa kanilang katauhan.

Hindi madali at hindi kailan man magiging madali ang pagiging isang magulang ngunit palaging kinakaya ang bawat pagsubok na dumarating. Sabi nga nila, walang hindi kakayanin ang magulang para sa kaniyang mga anak.

Maging ang pagkain na isusubo na lamang nila ay ibibigay pa nila sa kanilang mga anak. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento ng mag-amang ito na nagkaroon na lamang ng maiksing pagkakataon upang magkasama dahil sa kritikal na kalagayan ng ama.

Hindi madalas mangyari sa panahon natin ngayon na unang mawawala ang asawang lalaki bago ang kaniyang buntis na asawa. Ngunit sa naging sitwasyon ng mag-asawang Christopher at Gracie Stone ay naging napakabigat na pagsubok nito para sa kanilang pamilya.

Si Christopher ay isang masipag na haligi ng tahanan. “Masonry” ang kaniyang trabaho noon pa man ngunit ito rin ang naging dahilan upang magkaroon siya ng sakit sa baga.

Isang araw bago siya pumanaw ay nagawa pa niyang mahagkan ang kaniyang bagong silang na sanggol. Bagamat nanghihina ng mga oras na iyon ay talagang masayang masaya siyang makita at mayakap ang kaniyang anak.

Hindi na siya nakakapagsalita pa ngunit nagawa pa niyang maisulat ang mga katagang ito, “Hugging my baby, I am blessed. God is good. Thank you for everything!”
“I am grateful that Christopher’s smile and soul remain with our son.” Pahayag naman ng asawa niyang si Brandi.

Nakakalungkot isipin na maagang nawala si Christopher sa kaniyang pamilya ngunit tiyak na mananatili siya sa puso at isipan nila. Namangha ang lahat dahil sa pagiging matatag ni Christopher kahit pa nga talagang napakahirap na ng kaniyang kalagayan.

Tiyak na magiging “proud” din sa kaniya ang kaniyang anak dahil sa kahuli-hulihang sandali ng kaniyang buhay ay naiparamdam niya ang kaniyang pagmamahal bilang isang ama.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media