Connect with us

Viral

Isang masipag na batang Sampaguita vendor, usap-usapan ngayon dahil sa mala-artistahin niyang hitsura!

Published

on

Mabilis nang kumakalat ang maraming mga balita sa ngayon dahil sa laganap na ang paggamit ng iba’t-ibang social media platforms sa buong mundo. Sa isang simpleng pagkuha lamang ng litrato o video at pag-post nito online ay tiyak na marami nang makakabalita at makakakita nito.

Tulad na lamang halimbawa ng isang batang babae na ito na nagtitinda ng Sampaguita sa isang kalye. Nagulat ang mag-asawang Honney RJ at Onnie Balasabas nang makita nilang napakaganda ng batang nag-aalok sa kanila ng paninda nitong Sampaguita.

Hindi na sila nagdalawang-isip pa na bumili nang minsang alukin sila ng bata sa kanilang sasakyan. Labis silang nagulat nang makita nilang kahit pala gabi at umuulan ay nagtitinda pa rin ito ng kaniyang Sampaguita.

Aakalain mo pa ngang artista ang batang ito sa unang tingin. Simple at natural ang kaniyang ganda. Mayroon din siyang mala-anghel na mga mata.

Tiyak na mas malaki ang maaari niyang kitain kung sakaling papasukin niya ang showbiz bilang isang modelo o di kaya naman ay isang “child actress”. Ngunit sa kabila ng katotohanang ito ay talagang makikitang nagsusumikap pa rin ang batang ito na makapagbenta ng kaniyang mga panindang Sampaguita.

Hindi niya alintana ang panganib na maaari niyang maranasan habang nasa kalye siya at nagtitinda. Lalo na at kahit gabi o di kaya naman ay masama ang panahon ay patuloy pa rin ito sa pagtitinda.

Wala namang masamang tumulong sa pamilya lalo na sa panahon ng pandemya. Ngunit hindi lang din talaga maiwasan ng mga magulang lalo na yung mayroong mga anak na babae na mag-alala dahil sa batang ito.

Kung kaya naman nanawagan din ang maraming mga netizens na sana ay huwag nang pahintulutan pa ng kaniyang mga magulang ang batang ito na magtinda sa gitna ng kalye lalo na kung gabi na dahil sa hindi rin natin batid kung kailan aatake ang mga taong mapagsamantala.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media