Connect with us

Viral

Isang matandang babae, kinabiliban ng marami dahil sa kabila ng kaniyang edad ay nagagawa pa rin niyang magtinda ng mga gulay sa bangketa!

Published

on

Isa na marahil sa pinakakinatatakutan ng marami sa atin ay ang pagtanda. Hindi lamang ang tuluyang pagkulubot ng ating balat, paglabo ng ating mga mata at ang pagkaubos ng ating mga ngipin ang kinatatakutan kundi ang marami pang mga bagay na kaakibat nito.

Kalakip kasi nito ay ang panghihina ng ating katawan at tuluyang pagsuko nito sa buhay dahilan upang hindi na natin magawa pa ang mga bagay na madali lamang nating nagagawa noon. Nakakalungkot at nakakatakot man ang katotohanang ito ay wala na tayong magagawa dahil lahat naman tayo ay nadaranas din nito.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa publiko ang nakakahabag na kalagayan ng matandang babaeng ito na tila ba ay hindi sinasadyang nakatulog sa bangketa habang binabantayan ang kaniyang mga panindang gulay. Mababakas sa kaniyang pangangatawan at maging sa kaniyang kutis na talagang may edad na rin ang babae.

Dapat sana ay namamahinga na lamang siya sa kaniyang tahanan at masayang iginugugol ang kaniyang pagreretiro sa mga bagay na nais niya pang gawin, ngunit heto siya at hindi alintana ang panganib na maaari niyang kaharapin habang siya ay nagtitinda sa lansangan. Talaga namang kumurot sa puso ng publiko ang kalagayang ito ng matandang babae na hindi pa alam ang pagkakakilanlan sa ngayon ngunit sa halip na tuluyang kaawaan ay marami pa ring humanga at bumilib sa kaniya.

Kahit pa kasi siya ay halatang matanda at nanghihina na ay talagang nagagawa pa rin niyang magbanat ng buto. Samantalang maraming mga kabataan sa ngayon ang madalas puro reklamo na lamang sa napakaraming mga bagay sa kanilang paligid.

Kung sana ay magiging kasing tatag at kasing sipag lamang tayo ng matandang babae ay tiyak na mas makakatulong tayo sa sarili nating pamilya lalo na ngayong panahon ng pandemya na wala rin naman tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media