Connect with us

Viral

Pinay caregiver sa Canada binansagang bayani matapos iligtas ang kaniyang dalawang alagang bata mula sa matinding aksidente!

Avatar

Published

on

Kung mga dakilang bayani ang ating mapag-uusapan, tiyak na hindi-hindi mahuhuli ang bansang Pilipinas. Hindi lamang kasi tayo biniyayaan ng magagandang mga tanawin ni Inang Kalikasan dahil napakarami ding lugar sa bansa na punong-puno ng kasaysayan.

Hindi rin maipagkakaila ang ating mga dakilang bayani na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nating binibigyang-pugay. Halimbawa na lamang ang ating pambansang bayani na si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda na siyang nag-alay ng kaniyang buhay maimulat lamang ang maraming mga Pilipino sa naging pang-aalipin sa atin noon ng mga mananakop.

Ngunit makalipas ang ilang daang taon, marami pa rin pala tayong mga makabagong bayani. Hindi lamang mga doktor, mga nars, sundalo at iba pang mga frontliners sa panahon ng pandemya ngunit maging an gating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibayong dagat o mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay may malaking ambag din sa ating bayan.

Kamakailan lamang ay binigyang-pugay ng maraming mga netizens ang naging kabayanihan ng Pinay nanny na ito sa Toronto, Canada matapos niyang iligtas mula sa matinding kapahamakan ang kaniyang dalawang alagang bata. Siya ay nakilala bilang si Jillian Mendoza na siyang nag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga alaga na dalawa at limang taong gulang pa lamang ang mga edad.

Nasa sidewalk sila nang mangyari ang insidenteng ito, agad na iniwas ni Jillian ang mga bata at itinulak upang hindi na sila mapahamak pa nang bigla na lamang bumangga sa St. Clair Ave. W. malapit sa Dufferin St. ang isang SUV bandang 11 ng umaga noong Pebrero 24, 2021. Ayon sa kaniyang mga kaibigan, mabait at talagang masipag si Jillian lalo na at isa siyang single mom.

Maliban sa kaniyang anak ay sinusuportahan din niya ang kaniyang mga magulang dito sa Pilipinas kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa ang kaniyang mga kaibigan na maglunsad ng GoFundMe fundraiser para sa kaniya. Sa ngayon ay wala na siya sa bingit ng kapahamakan mula sa tinamo niyang pinsala at nagpapagaling na siya sa ospital kasama ang kaniyang nobyong nagbabantay sa kaniya.

Source: Abscbn


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media