Connect with us

Viral

Mag-asawang walang tirahan maikakasal na sa wakas makalipas ang halos 24 taon nilang pagsasama!

Avatar

Published

on

Sa Pilipinas, sagrado ang pagpapakasal at talagang isa ito sa pinakamahalagang tradisyon ng maraming mga Pilipino. Itinuturing kasi itong “blessing” lalo na sa mga magkasintahan na nagpaplanong magsimula ng sarili nilang pamilya.

Sa ngayon, talagang masasabi nating hindi biro ang magpakasal. Kakailanganin mo talagang maglaan ng malaking halaga ng pera lalo na kung nais mong maikasal sa simbahan.

Marami din kasing kailangang ihanda at asikasuhin upang maikasal ka sa simbahan. Kung kaya naman, gustuhin man ang mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco na magpakasal ay hindi talaga nila ito kayang paglaanan ng salapi.

Pangangalakal ng basura ang kanilang ikinabubuhay kasama ang kanilang anim na mga anak. Sa 24 na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa at hirap din silang makapagpundar ng sarili nilang bahay.

Kung kaya naman pinagtitiisan na lamang nila ang manirahan sa lansangan. Ang mag-asawa ay nakatira sa Pampanga. Kamakailan lamang ay nabalitaan ni Richard Strandz ang kanilang sitwasyon at namangha sa kanilang pambihirang kwento.


Sa loob ng dalawang dekada ay napagtagumpayan nila ang maraming mga pagsubok lalo na ang kahirapan. Nagdesisyon si Richard na humingi rin ng tulong sa ilan niyang mga kaibigan at kakilala upang matulungan ang mag-asawang matupad ang pangarap nilang kasal.

Nagkaroon ng “photoshoot” ang mag-asawa naa kinuhanan mismo sa lansangan kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan. Hindi pa man sila opisyal na naikakasal dahil sa inaasikaso pa rin nila ang ilang mga dokumentong kailangan upang makapagpakasal sila sa simbahan, masayang masaya ang dalawa dahil sa wakas ay mararanasan na rin nilang maikasal makalipas ang maraming mga taon nang kanilang pagsasama bilang isang mag-asawa.

Namangha naman ang maraming mga netizens dahil sa naging napakaganda ng resulta ng tila “pre-nup photoshoot” nina Rosalyn at Rommel. Tunay nga na marami mang hadlang at pagsubok sa buhay, magkakaroon at magkakaroon pa rin ng pag-asa para sa mga taong nagsusumikap at lumalaban sa buhay.

Source: Elitereaders


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media