Connect with us

Viral

Hindi makapaniwala ang lalaking ito sa nakita niyang bangka na lumulutang sa kalangitan na nakuhanan pa niya ng video!

Avatar

Published

on

Napakaraming mga misteryo at kababalaghan sa mundong ito ang talagang hindi natin maipaliwanag. Madalas ay kikilabutan na lamang tayo dahil sa mga ganitong pangyayari.

Kamakailan lamang, isang lalaki ang gulat na gulat matapos makakita ng isang malaking bangka na tila ba lumulutang sa kalangitan. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang sasakyang ito ay sa dagat lamang madalas makita at dito lamang maaaring umandar.


Sinikap niyang tingnang mabuti ang tila ba kakaibang insidente na kaniyang nasilayan. Biyernes noon at nakuhanan pa ng video ni Colin McCallum ang tila paglipad ng naturang sasakyang pandagat sa Banff, Aberdeenshire.

Kalaunan ay napagtanto rin niyang isa lamang palang ilusyon ang kaniyang nakita dahil sa nahaharangan lamang ng mga ulap ang karagatan na siyang dinaraanan ng naturang bangka. Si Colin ay isang “health and safety worker” mula sa Turriff, Aberdeenshire.

“Saw a real-life optical illusion in Banff today.” Pahayag niya sa kaniyang caption sa video na agad niyang ibinahagi online.

“When I first saw the boat, I had to do a double-take because I genuinely thought it was floating. Upon further inspection, however, I noticed that it was in fact just a remarkable optical illusion.” Paliwanag pa niya.

“It was caused by a cloud formation closer to the shore which changed the colour of the water closer to the land. The boat, being further away, was in a cloudless area and therefore the sky reflected the sea – making it look like the boat was floating.” Dagdag pa niya.

Marami namang mga netizens ang nagsabing talagang nagulat sila sa kanilang nakita dahil maging sila ay hindi makapaniwalang ilusyon lamang pala ang lahat. Inakala din kasi nilang totoo ang paglipad ng bangkang ito sa kalangitan.

Ikaw, ano kaya ang una mong gagawin sa oras na makakita ka ng kakaiba at nakakapangilabot na bagay sa iyong paligid?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media