Connect with us

Viral

Ryzza Mae Dizon, pinagbigyan na ang kaniyang mga tagahanga na ipasilip ang naipundar niyang bahay na mayroong tatlong palapag!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang talagang nangangarap din na makaahon sa kahirapan at makapagpundar ng sarili nilang tahanan. Napakahirap man ng buhay natin sa ngayon ay talagang sinisikap pa rin ng marami sa atin na makaraos sa araw-araw at makatulong sa ating pamilya.

Photo credit: Ryza Dizon Instagram

Hindi na nakapagtataka na sa murang edad ay mayroon na ring mga kabataang Pilipino ang talagang nagpupursige at nagsusumikap sa buhay. Tulad na lamang ni Ryzza Mae de Guzman Dizon. Siya ay 15 taong gulang na sa ngayon.

Photo credit: Ryza Dizon Instagram

Siya ay isang kilalang host, aktres, at endorser. Taong 2012 nang una siyang masilayan ng publiko.

Halos 9 na taon na rin ang nakaraan mula nang mamangha tayo sa angkin niyang kabibuhan at ka-cute-an. Ang “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga ang naging daan niya upang makamit ang pangarap niya sa buhay – ang makatulong sa kaniyang pamilya at ang magkaroon sila ng sarili nilang bahay.

Photo credit: Ryza Dizon Instagram

Hindi naging madali ang buhay nila noon at tulad ng isang tipikal na pamilya ay marami din talaga silang naranasan na pagsubok. Ngunit ang lahat ng mga pagsubok na ito ay napagtagumpayan nilang magkakasama ng kaniyang pamilya.

Photo credit: Ryza Dizon Instagram

Sa ngayon ay nakapagpundar na siya ng sarili nilang bahay na tatlong palapag ang taas. Pinaunlakan na niya ang hiling ng kaniyang mga tagahanga na magkaroon siya ng “house tour” ng kanilang simple ngunit napakagandang tahanan.

Halos itim at puti ang madalas na makikita sa kabuuan ng kanilang tahanan. Moderno ang tema nito kung kaya naman maging ang kanilang mga kagamitan sa loob ng bahay ay talagang mga moderno rin.

Photo credit: Ryza Dizon Instagram

Maaliwalas at napakalinis ng kanilang tahanan. Bagamat hindi pa kumpleto ang mga kagamitan nito nang una nilang tirhan ay unti-unti naman na nila itong nabibilhan ng mga gamit.

Tunay nga na isa siyang inspirasyon sa maraming mga Pilipino na walang masamang mangarap kahit gaano pa ito kahirap o ka-imposible. Dahil darating din naman talaga ang oras at panahon na nararapat sa iyo upang matupad mo ang matagal mo nang pinapangarap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media