Connect with us

Viral

Asong manganganak na ginawan pa ng bahay ng mga construction worker upang magkaroon siya ng komportable at maayos na masisilungan sa kaniyang panganganak!

Avatar

Published

on

Madalas nating marinig sa ibang tao na hindi kailan man magiging rason ang pagiging abala ng isang tao upang ipakita mo o iparamdam mo sa taong mahal mo na mahal mo siya. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.

At kahit gaano ka pa kaabala sa maraming mga bagay ay makakagawa at makakagawa ka ng paraan upang makapaglaan ng oras para sa taong mahal mo. Hindi lamang pala ito patungkol sa pagmamahal natin sa ating kapwa, kahit sa mga alaga nating hayop ay maaari din nating maipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit natin.

Tulad na lamang ng ginawa ng mga construction worker na ito mula sa Tondo, Maynila. Ginawan kasi nila ng maayos na masisilungan ang isa sa mga alaga nilang aso sa construction site.

Sa naturang post ni Mark Christian Barongan Aga sa social media ay ipinahayag niya kung paanong nakagawa ng komportable at maayos na masisilungan para kay Tiger. Si Tiger ang mama dog na nakatira sa site na ito.


“Ohh ayan love na love ka ng mga Construction, Tiger huh. Bago ka mag-labor at makapanganak kahit sobrang busy at ang daming trabaho na kailangan tapusin, isiningit at inuna ka na nila. Ginawan ka na namin ng masisilungan mo para hindi ka na sa bakalan sumisilong pag sobrang init at pag umuulan,” Pahayag ni Mark Christian.

Sa mga posts ni Mark Christian ay makikita kung gaano kaayos ang naging pagkakagawa ng tahanan ni Tiger. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens patungkol sa asong si Tiger:

“Saludo ako sa mga construction boys na gumawa ng bahay ni nanay doggie. Sana hanggat’t wala pang nag-aampon sa mga babies niya alagaan n’yo po muna. KUDOS sa inyo.” Komento ng isang netizen.

“We salute po. Sana lahat ng tao katulad n’yo po, may care sa hayop po. More blessings to come po sa inyong lahat at salamat sa may-ari kasi pina-stay niya si doggy.” Pahayag pa ng isang netizen.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media